[Mish POV]:
Chemistry subject namin ngayon. pero imbes na makinig ako sa teacher namin, heto ako nakatingin kay elise. I'm daydreaming kung anong effective na paraan para mabura ko siya sa mundo. kung ibigti ko kaya siya tapos isako tsaka iwan sa riles ng tren? effective kaya yun? hindi na ba ko makakasuhan nun? haha pero syempre joke lang. hindi naman ako ganun kasama. pero totoong tinitignan ko siya kasi naiinis ako sakanya. bakit ba ang dikit niya ngayon kay xander. so new friend ang drama? swerte naman niya. pagkatapos ng lahat ng ginawa niya naging kaibigan niya pa din yung taong mahal niya.
'ano bang inaarte mo mish, nag offer din naman ng friendship sayo si xander hah, kaso tinanggihan mo lang' bulong sakin ng isip ko.
eh sa masyado pang masakit para sakin ang lahat. anong magagawa ko? pati nga siya ang sakit niya sa mata lalo na pag kasama niya yang elise na yan
'nagseselos ka lang' bulong ulit ng isip ko
eh ano naman kung nagseselos ako. eh sa may nararamdaman ako. natural lang sakin magselos. kahit na wala akong karapatan. yun ang nararamdaman ko. nagseselos ako
uwaaah .. naiinis ako .. ginulo gulo ko ung buhok ko sobrang naloloka ako
"miss Lopez" tawag sakin ng teacher namin
"yes ma'am?" tanong ko, medyo nabigla ako nang tawagin niya ko
"answer me" sabi naman niya. hah? answer? teka ano ba ung tanong? magsasalita na sana ko na kung pwede ulitin niya ung tanong ng biglang bumulong si Spade
"Sulfur" mahinang sabi niya pero narinig ko naman
"Sulfur ma'am" sagot ko
"ok, umayos ka ng upo ms.Lopez at wag kung ano anong ginagawa. nakaka distract ka" pag katapos ay tumalikod na ulit siya at nagsulat sa black board
"thank you ah, pero ano ba ung tanong?" baling ko kay spade
"hindi ko din naintindihan e. basta sulfur ung sagot haha" sagot niya
ngeee .. ano ba naman tong spade na toh hmp "thanks anyways"
balik nanaman ako sa pagtingin kay elise. isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko tsaka ko tinignan si xander. kung alam lang niya kung gaano kabigat ang nararamdaman ko. kung gaanong selos ang nagpapahirap sakin. sana maramdaman mo.
****
[Spade's POV]:
gusto kong nakikita si mish na naka.ngiti. ang ganda ng mga ngiti niya. bagay sakanya. bagay na bagay.
kung alam lang niya yung lungkot na nararamdaman ko tuwing nakikita kong malungkot siya. tuwing tinitignan niya si xander lumalabas sa mata niya lahat ng lungkot na tinatago niya. madalas ko siyang makitang sumusulyap kay xander. pero pag nanjan naman iniiwasan niya. hindi ko alam kung ano ba talagang meron sakanila bago pa man nila ko nakilala at wala na din akong balak na itanong pa. dahil pag nalulungkot siya. mas nalulungkot ako. ayokong nakikita siyang ganyan. gusto ko maging superhero niya. kaya gusto ko, lagi ko siyang kasama. sa bawat mangyayari sakanya ako ang kasama niya. kahit na hindi niya alam yung lihim kong nararamdaman. gusto kong manatili sa tabi niya. dahil gusto ko siya.
"uy spade" tapik sakin ni pinky
"ha? bakit?" tanong ko
"napapadalas ata kitang nakikitang nakatingin kay mish ha, o malalim lang talaga iniisip mo? o pareho?" tanong ni pinky sabay pukol sakin ng nagdududang tingin
"haha ano ka ba, may iniisip lang" palusot ko. bumaling naman ako kay mish para yayain tong umuwi. simula kasi nung lumipat kami sa tabing bahay nila. sabay na kaming umuuwi
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...