Chapter 10: A Brand new Day
[Mish POV]
Sabado ngayon pero kahit di ako gumamit ng alarm clock, maaga akong nagising. Mabilis din kasi akong nakatulog sa kakaiyak. Tinignan ko yung phone ko at may isang text dun si xander.
Mag-iingat ka din palagi. Palagi ka ding ngingiti, good bye.
Ipinatong ko sa side table yung phone ko after kong basahin yung last text niya kagabi. Huminga muna ako ng malalim bago bumangon at dumeretso sa banyo para maligo.
Nang makapag-bihis na ko, agad akong bumaba sa dining area para mag-almusal. Dahil wala naman akong ibang gagawin, at ayoko mag-emote, naglinis na lang ako ng kwarto ko. kahit malinis pa siya dahil everyday naman naglilinis yung katulong. Gusto ko lang may magawa na kahit ano. I need to make myself busy, ayokong mabakante ang utak ko, kasi baka maisip ko nanaman siya. Oo, tulad ngayon, nabanggit ko nanaman siya.
“tao po, pabiling yelo” napakunot ang noo ko sa nagsalita. Sino naman kayang tripmen ang kakatok sa kwarto ko at sasabihing pabili ng yelo? Binuksan ko yung pinto at nagsulputan agad yung magagaling kong kuya sa chikboys
“Oy, kayo lang pala” natawa agad ako sa kanila kai nagsisiksikan silang 4 sa pinto ko na kasya lang ang dalawang tao. Si kuya ken, Alvin, dion at Anthony. Si Gino naman at Jhake sungit nakatayo lang sa likod, si Gino naka-ngiti, si Jhake as usual, pokerface at suot nanaman yung eraphones niya.
“Syempre, wala namang ibang pwede mangbulabog sa’yo sa kwarto mo kung hindi kaming mga kuya mong gwapo eh. Di ba tropa?” sabi ni kuya Anthony na may hambog gestures pa.
“Oo naman tropa” sagot naman ni kuya dion sabay apir pa.
“mga gunggong!” biro ko sa kanila. Ginulo-gulo naman nila yung buhok ko. Mga pasaway talaga tong mga ‘to. Ang galing nang timing, pag malungkot ako biglang nagsusulputan. Haha.
“tara na nga, sa baba na tayo” pagyayaya ko sakanila papuntang sala.
“anong meron?” Tanong ko
“Birth day ni gino, sama ka sa’min kasi may mini celebration ang buong tropa. pinaalam ka na naming kay lola” sabi naman ni kuya dion
“ha? Hala hindi—“ pero naputol ang pagprotesta ko
“Alam mo bunso, sa ayaw at sa gusto mo, kakaladkarin ka naming. kaya wag ka na magprotesta pa d’yan. Okay?” sabi ni kuya Alvin
“Oo nga, minsan lang ‘to eh. tapos di ka pa pupunta” nagpout si gino sa harap ko. seriously? Nagpapa-cute ba siya? Aww >.<
“syempre pupunta ako. Sino ba nagsabing hindi?” tanong ko. grabe, bakit ba hindi ako makatanggi pag si Gino na ang nakiki-usap. Hmm.
“papayag ka din pala” sabi naman sa’kin ni kuya Dion sabay akbay.
“ay wait! Maliligo lang ako. Tsaka wala pa kong regalo, sunod na lang kaya ako” sabi ko naman.
“Oo nga, paliguin niyo muna yan. Ang baho eh” nagsalita ba si Jhake? Grabe ha, feeling close? Ang sama ng ugali! Kainis!
“Hoy, naligo na ko noh. Naglinis lang ako ng kwarto kaya pinagpawisan ako, tsaka hindi ako ganun kabaho” sigaw ko sakanya sabay talikod
“Oy bunso binibiro ka lang ni jhake. Amoy baby ka nga eh haha” pang-aasar ni kuya ken
“Oo kuya ken! panalo ka na. asarin mo ko di na ko sasama” sabi ko sabay walk out.
Pero naramdaman ko na lang yung brasong pumigil sa’kin. Pagharap ko nakita ko na si Gino pala yun.
“Mish, binibiro ka lang nila. Sige na, maligo ka na. hihintayin ka namin, tsaka kahit walang gift, okay lang sa’kin” nakangiting sabi niya. Ang gwapo niya talaga. Nakakainis.
“sige, liligo na ko” sagot ko sabay takbo paakyat sa kwarto ko.
--
Bumaba ako suot ang isang white skinny jeans, pink shirt at red doll shoes. Tapos dala ko din yung black sling bag ko na may lamang wallet at vanity kit. Naabutan ko silang nagke-kwentuhan sa sala maliban kay sungit na naka-earphones pa din at nakapikit.
“grabe bunso ha, ang bilis mo maligo. Muntik na nga kong matulog haha” sabi ni kuya ken tapos nagtawanan yung buong chikboys
“dapat natulog ka, para di ka kasama” sagot ko naman.
“buti natapos ka na. kala ko natulog ka na sa banyo” pokerface na sabi ni Jhake.
“che!” sagot ko pero tumayo na siya ng naka-cross arms at lumabas.
Kami-kami lang ang nasa birthday celebration ni gino. Exclusive lang daw kasi para sa Chikboys.
“grabe bunso, ngayon ka lang ulit namin nakasama. Palagi mo kasing kasama yung classmate mong tomboy” sabi naman ni kuya alvin
“Oo nga bunso, wala ka ng time sa’min” nagpout naman bigla si kuya dion
“haha. ano ba kayo, boyish lang yun, pero hindi tomboy si pinky” natatawang sabi ko.
Pero hindi sila sumagot at nag-videoke nalang. Si kuya dion at kuya ken, kumuha ng tako ng billiards at ginawang kunwaring gitara. Si kuya Alvin naman ginawang drums yung lamesa, at si Gino at kuya Anthony ang vocalist na wala sa tono. Frustrated rock band kasi ‘tong grupo na ‘to at favorite nila yung kantang sweetchild of mine. Actually, last time may pinakita pa sila sa’king music video nila na kuha sa Boys C.R sa school. Para silang tanga nun tapos ang gitara nila, walis tambo at sweetchild of mine pa din ang tugtog.
Tawa ako ng tawa sa kanila nang mapansin kong nakatingin sa’kin si jhake. Nakaupo siya sa may gilid ko at hindi nakikigulo sa mga chikboys.
“bakit?” tanong ko nang tignan ko siya.
“What?” masungit na tanong niya. wow ha, siya pa talaga masungit? Psh!
“bakit ka nakatingin?” tanong ko
“ako nakatingin? Sa’yo? Wag kang assuming. May crush ka sa’kin noh? Sorry, but you’re not my type.” pagsusungit niya. What the—
“aba! Kapal din ng mukha mo noh. try mo ngang magkape minsan para naman kabahan ka!” sigaw ko tapos biglang nagtinginan yung mga kuya ko
“oh bunso, anong problema mo?” tanong agad sa’kin ni kuya dion
“ang sama kasi ng ugali nitong panget na ‘to” sabi ko, sabay turo kay jhake sunget. Pero nang tignan namin si Jhake, naka-headset na ‘to ulit at nakapikit.
“panget! Epal! Sunget!” sigaw ko kay jhake, pero no reaction naman siya. Grabe, lalo akong nanggigil. Gusto ko siyang suntukin. Argh!
“Mish, wag ka na ma-highblood d’yan. Magpalamig ka muna” sabi naman ni Gino sabay abot sa’kin ng mocha shake
“Salamat. Bakit ba kasi may kaibigan kayong naiiba. Ubod ng panget, napaka sunget, feeling mo palaging meron at daig pa nagme-menopause. Grr!” pero sa kabila ng inis ko, tinawanan lang nila ko.
“sa’yo nga lang yan masungit eh” sabi ni kuya Anthony
“huh?” taka namang tanong ko
“anong sinasabi mo?” biglang nagsalita si jhake. Tapos tumingin siya sa’kin.
“hindi ko nga alam kung bakit ang bait sa’yo ng mga kaibigan ko, wala namang espesyal sa’yo” sabi niya sabay tingin sa’kin mula ulo hanggang paa.
“same here. Hindi ko din alam kung bakit naging barkada ka ng chikboys, eh ang sama ng ugali mo!” inis na sabi ko. pero hindi na siya sumagot at naka-cros arms na pumikit ulit habang nakasandal sa upuan niya. Mukang magiging busy talaga ko, busy sa pambibwisit ni jhake. Aba wala pang kalahating araw mauubos na yung dugo ko sakanya. Kainis!
Natapos yung celebration ni gino na half happy at half badvibes ako. Hindi ko talaga malaman yung problema ng Jhake sunget na yun.pwede namang iba nalang inisin niya, bakit ako pa? mabait naman ako di ba! Di ba, di ba!
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...