Chapter 6: Realization

596 5 2
                                    

posted: 03/27/14. votes and comments are highly appreciated. please like my facebook page

facebook.com/herashey1994

Chapter 6: Realization

[Mish POV]

The whole intrumurals week hindi ako pumasok. sinabi ko kasing may sakit ako, Pero ang totoo ayoko kasi siyang makita. Hindi ko pa kaya. Pero nung coronation night, I have no choice but to attend, pero wala siya. Hindi ko alam kung good thing yun kasi hindi kami nagkita, or bad thing kasi pakiramdam ko hinahanap ko pa din siya. Gusto ko ng paliwanag, pero natatakot naman ako. Ang gulo ko!

nanalo kami ni Jhake Alvarez as Mr. and Ms. Intrumurals ng St. Cloud Academy. Si Xander naman, 2nd runner up pero wala talaga siya.

Monday na ngayon, and the day looks so ordinary to all students. Pero ako, kailangan kong plastikin ang sarili ko na masaya ako, lalo na’t madaming tao ang Masaya para sa’kin, dahil nga nanalo ako sa pageant last week.

“Mish, congrats” bati ng mga classmates ko pagpasok ko sa classroom.

“ok ka na ba? magaling ka na ba talaga?” tanong pa nila. Napangiti naman ako kasi parang super concern talaga sila na angkasakit ako. At the same time nakkokonsensya ako, kasi nagsinungaling ako.

“Oo. Magaling na ko. salamat pala” nakangiting sagot ko.

“Mish, Bunso!” napalingon ako sa pinto. At tama nga ko, nandiyan na yung mga magugulo kong kuya mula sa chikboys.

“Bunso, nagkasakit ka daw?” tanong agad ni Kuya Ken.

“Ano bunso, may nararamdaman ka pa ba? Nahihilo? Nasusuka? Masakit ulo? Baka buntis ka!” sabi ni kuya Anthony kaya naman agad siyang binatukan ni kuya Dion.

“Gunggong ka talaga tropa!” sabi ni kuya Dion habang si kuya Anthony hinhimas yung ulo niya.

“Ano ka ba, pinapatawa ko lang si bunso. Laughter is the best Medicine nga di ba” sabi pa ni kuya Anthony.

“May gusto ka bang kainin?” alalang tanong ni kuya Dion. Ang O.A. nila di ba. Umiling-iling lang ako at nginitian sila.

“sure ka bang kaya mo na? baka naman pinipilit mo lang pumasok ha” dagdag pa ni kuya Ken.

“Oo nga, kami na bahala sa notes mo, umuwi ka na lang kaya muna” dagdag pa ni kuya Alvin.

“Ang ingay niyo. Okay lang ako, Promise” tinaas ko pa yung kanan kong kamay as a sign of promise.

“uulan mamaya, magpayong ka!” pagkasabi nun, umalis na kagad siya. Napa-iling na lang kami, ang sungit kasi eh. Si Jhake yun. Masungit na, Poker face pa.

“nye nye sungit!” sabi ko habang naglalakad naman siya palayo. Hindi naman niya ko narinig kasi may nakakabit na earphones sa tenga niya, tsaka hininaan ko lang din, ayoko ng away lalo na sakanya. Haha.

“hayaan mo na yun, may dalaw ata. haha” sabi ni Gino at tumawa naman ang lahat ng chikboys. Mga baliw! Si Gino Escota pala yung parang Leader ng Chikboys, although sabi niya wala daw silang leader kasi magkakapatid sila sa barkada. Hindi kami super close kasi hindi naman siya kasing ligalig ng mga mokong na ‘to. Pero hindi din siya kasing sungit ni Jhake. In fact, sobrang bait pa nga ni Gino sa’kin.

“Basta kung hindi mo pa kayang pumasok magsabi ka lang, kami na ang bahala” sabi niya pa tsaka ngumiti. Ang bait talaga.

“Okay na ko, Promise. Wag na kayong mag-alala sa’kin. Tsaka, magbe-bell na. kita nalang tayo mamaya” sabi ko para magsi-alis na sila. Masyado na ding dumadami yung students sa tapat ng room namin dahil nandito nga yung chikboys. Eh sikat pa naman yung grupo nila.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon