[Mish POV]
“Mish, hija anong oras ka babalik?” tanong ni lolo. Magkikita kasi kami ni spade ngayong 4th monthsary naming pero syempre hindi alam ni lolo na may boyfriend na ko.
“babalik po ako before 7PM” sagot ko
“okay. Take care hija” sabi niya
“yes lolo. Bye” paalam ko
“hoy mish. San ka pupunta?” biglang humarang sakin si kuya kyle
“ano ba yan kuya kyle! Lumayas ka naman jan. late na ko sa date ko” sabi ko
“teka! Anong date? May boyfriend ka ba mish?” tanong niya
“sshhh! Wag ka maingay baka marinig ni lolo” sabi ko. Pinatong ko pa ung hintuturong daliri ko sa labi ko.
“so may boyfriend ka nga?” kulit din nito. Nag mamadali na nang interview pa
“ou,meron” sagot ko
“pero mish alam mo naman na—.”
“OO! OO ALAM KO” pinutol ko ung sinasabi niya.
“alam ko yung ginagawa ko. May oras pa ko para maging Masaya. Pangako ko naman na tutuparin ko yung sinabi ko kay lolo” sabi ko
“mish, kung alam mo ung ginagawa mo dapat alam mo na masasaktan lang kayo sa ginagawa mo. Itigil mo nay an” sabi ni kuya kyle
“kuya kyle, I just want to be happy. Pag graduate ko ng high school ititigil ko na toh. Alam ko yung consequence ng mga desisyong ginawa ko at alam ko kung ganu kadaming tao ang umaasa sakin kaya hindi ako bibitaw sa pangako ko” sagot ko. Hindi na siya nagsalita kaya umalis na ko.
--
“Misis” napatingin ako sa direksyon niya. Napangiti ako, ang gwapo niya sa suot niya. Suot naming yung couple sweater namin hehe.
“hello mister moo” sabay yakap niya sakin.
“na miss kita misis” sabi pa niya.
“I miss you too” sagot ko. Ilang araw din kasi kaming hindi nagkita dahil nagbakasyon kami sa kanya kanya naming lolo.
“san tayo pupunta?” tanong ko.
“sa Mall, nuod tayong movie tsaka mag arcade tayo” sabi niya. Ngumiti naman ako at pumunta na nga kami sa mall.
Nanuod muna kami ng movie. Sakto may movie na adopted sa librong nabasa ko na. romance siya, naiyak ako dun sa book kaya for sure baka maiyak din ako sa movie.
After almost 2hours natapos na din yung movie.
“misis, umiiyak ka ba?” tanong sskin ni spade nang makalabas kami sa sinehan
“eh nakaka iyak eh. Ikaw nga oh naluluha din” sabi ko
“hindi ah. Sinisipon lang, ang lamig eh” wew palusot din toh eh nakita ko siya kanina nagpahid ng luha. Haha xD
“Tara na nga misis, baka gutom ka na. tanghali na” sabi niya. Pumunta kami sa bonchon at dun kumain. After naming kumain nag kwentuhan muna kami dun for less than 30 minutes tsaka nagpunta sa arcade.
Naglaro kami ng basket ball, pataasan ng score. Haha hindi ko alam kung magaling ba talaga ako o nagpatalo lang si spade kasi sa 5 times na anglaban kami 3 beses akong nanalo haha xD o chamba lang xD
Anyways after nun naglaro naman kami ng drum mania. Haha ako na wala sa timing sa pag palo haha xD si spade naman tawa ng tawa feeling mo ang galing galing niya eh pareho naman kaming naka auto ung bass. Haha xD madaya!
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...