Chapter.31*New Friend*

290 2 3
                                    

[Mish POV]:

"nakakapagod. gusto ko ng matulog" maktol ko habang nagliligpit kami ng gamit ni pinky

"ako nga din e. sobrang natuyo ung utak ko haha" biro naman niya

"hi mish" narinig kong bati sakin ng palapit na si Spade

"hello" bati ko naman

"pauwi na ba kau? gusto mo hatid ko na kau?" tanong niya

"ha? wag na" sagot ko

"may kotse ka? sige sige hatid mo na kami" sabat naman ni pinky

"pinky! anu ba. dadating si manong. sakin ka nalang sumabay"

"ay ou nga pala. sorry spade may sundo pala si mish haha" sagot ni pinky. ung totoo? may saltik na ba toh?

---

"andito na po ako lola" bati ko kay lola na may kausap pala sa sala

"ay may bisita po pala. hello po" bati ko

"oh apo anjan ka na pala. ito pala si tita helen mo, bagong kapit bahay natin. sila ung nakabili ng bahay jan sa kabila" paliwanag ni lola

"ah hello po tita helen. ako po pala si mish, nice meeting you po" bati ko. humarap naman ako kay lola para magpaalam na aakyat muna ko sa kwarto ko

pagkatapos kong magbihis binuksan ko ung bintana ng kwarto ko at umupo sa

"wew .. ansarap ng hangin" parang tanga lang ako nuh hahaha

"anong lasa?" muntik akong mahulog sa pagkakaupo ko sa bintana ng may marinig akong magsalita. boses ng lalaki. at mas nakakagulat na may lalaki pa lang naka dungaw sa bintana sa tapat ng bintana ng kwarto ko. walang ilaw kaya di ko masyadong maaninag pero alam ko lalaki un

"sino ka naman?" tanong ko

"taray mo naman mish, ako pala si Spade, ang bago mong kapitbahay" masiglang pagpapakilala niya tapos binuksan niya ung ilaw ng kwarto niya at nakita kong si Spade nga, ohLalala (O___O)

"hoy bat ganyan ang mukha mo? nakakatawa ka naman" pang aasar niya pa

"ano namang ginagawa mo jan? eh bahay yan nila tita helen?" sagot ko

"wow tita helen? tita na tawag mo sa mommy ko? ayos pala eh" napakalapad ng ngiting sabi niya

"ano???" naibulalas ko sa gulat. "ma--- mommy mo?" tanong ko

"oo. mommy ko si Helena Rodriguez at ako ang unico hijo niyang si Spade Rodriguez ayos ba?" tska siya kumindat

"bago kitang kapitbahay??" gulat kong tanong

"yup! hindi na lang tayo seatmate, neighbors pa. and look, mukhang magkatapat pa ung rooms natin" naka ngiting sagot niya

"yeah i see. uhmm ok lang naman sakin yun" nakangiti kong sagot sakanya. ok nga un e may new friend na ko. kahit na wala dito si pinky anjan naman si spade. mabait naman toh e, kaya ayos na din

"so friends na tayo?" tanong niya

"oo naman" nakangiting sagot ko

***

[Xander's POV]:

 ilang araw na kong iniiwasan ni mish. nakaka.lungkot T.T

 may mali ba ko? tama naman ung ginawa ko di ba ??

 tama naman ung sinabi ko na maging magkaibigan nalang kami. masama ba yun? eh kung yun ang ikabubuti ng lahat bakit hindi nalang un ang gawin namin.

 kasalukuyan akong nakapangalumbaba sa Library. bakit dito? eh dito tahimik. payapa. walang mga babaeng maiingay na naka.aligid sakin na feeling mo artista ako. nakakahiya na kaya

"uy xander" bati sakin ng isang boses ng babae. nilingon ko kung sino un ng makita ko si Elise

"ikaw pala" walang gana kong sagot

"bakit ka nandito?" tanong niya

"gagawang assignment. meron ka na?"

parang biglang nagising ung diwa ko. "hah? anong assignment yun? meron ba?" aligaga kong tanong

"oo. merong binigay si ma'am na assignment kahapon. hindi ko nga nagawa sa bahay eh kaya ngayon nalang" naka ngiting sabi niya

"hala. hindi ko alam na may assignment"

"ikaw ha, di ka pala nakikinig. haha tara kopyahin mo sakin ung mga tanong habang maghahanap ako ng reference book natin. sabay na nating gawin" offer niya

"sige salamat" sagot ko, kinopya ko na nga ung mga tanong sa notes niya. maya maya bumalik na siya na may dalang libro

sabay naming ginawa ung assignment. hindi nga kami nahirapan kasi halos puro tawa lang ginawa namin. pinag aawayan pa kasi namin kung ano ung sagot haha pero at the end nagkaka sundo naman kami

---

"uy elise thank you talaga sa assignment ah"

"ano ka ba, wala yun noh. tsaka effort naman nating dalawa ung sagot natin e" sagot niya

"haha ou nga. tara pasok na tayo" pag aaya ko sakanya

"uhm elise" tawag ko sakanya habang naglalakad kami pabalik sa klase namin

"bakit?" tanong niya

"db sabi ko sayo dati pag nagkita tayo gusto kita maging kaibigan" nakita ko namang nakatingin lang siya sakin kaya nginitian ko siya tsaka ko inabot yung kamay ko

"so... friends?" tanong ko

"sure, friends" nakangiting sabi niya tsaka nakipagkamay sakin

nagche.check na kami ng assignment. exchange notebook lang kami so kami nalang ni elise ung nag exchange. habang nagche.check tawa kami ng tawa kasi ung mga pinag awayan naming sagot ung iba mali, tapos nag aapir naman kami pag tama. haha ang kulit namin.

---

"nakakapagod haha. uy salamat uli sa assignment ha" tapos na last subject namin at nagliligpit nalang kami ng gamit

"hala, si xander unLi haha" biro niya

"hah? pano mo nalaman? di naman kita tinetext ah" biro ko

"haha baliw" sagot naman niya

"gusto mo merienda muna tayo bago umuwi?" tanong ko sakanya. tinignan niya ko na parang nag aalangan pa kaya ngumiti ako at sinabing "db friends na tayo? bawal tumanggi" sabay hila ko sa kamay niya. nagfood trip lang kami sa labas ng school. kumain kami nung pritong isaw tsaka kwek kwek tas gulaman. tawa lang kami ng tawa. kung ano ano lang pinag uusapan namin. masaya din palang kasama si elise. pero naghihintay pa din ako na tanggapin ni mish ung friendship na inaalok ko sakanya. siguro mas magiging masaya ako

%*%*%*%*%*%*%*%

(c) NYLREHS

HI READERS ..

KAMUSTAH KAYO??

CHAT NAMAN TAYO MINSAN :)

WALA LANG, GUSTO KO LANG KAU KAUSAPIN ..

HEHE .. GUSTO NIYO TEXT PA TAYO EE KASO MAY PAGKA BALIW PO AKO KAYA NIYO BA ?? HAHA JOKE (^^,)v

so ayun, enjoii reading po :)

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon