Chapter 14: Part II

450 4 0
                                    

Chapter 14: Part II

[A/N: Hera's Note :P kamusta kayo :) I'm inviting everyone to Like my FB Page at facebook,.com/herashey1994. I need an operator. So may gusto, nagbabasa ng stories ko, ay mahilig mag-online. message niyo lang ako, salamat]

[Pinky's POV]

“Grabe pinky! Kaya ayoko ng math eh, nauubos yung dugo ko haha” natatawang sabi ni Mish ng matapos ang last subject namin ng umaga. Lunch time muna kami tas 1pm yung next subject namin.

“Ako din eh. Wala nga akong naisagot sa Quiz” natatwang sabi ko at nagsimula na din kaming magpunta sa school canteen. Pag pasok pa lang namin, kakaiba na yung tingin sa’min ng mga tao, lalo na kay mish. At alam ko namang hindi manhid ang kaibigan ko, kaya naramdaman niya din iyon kagad.

"Bakit nakatingin sila sa’tin?" tanong niya

"Lagi naman tayong pinagtitinginan, lalo ka na. Ang ganda kasi natin” biro ko, pero mukhang hindi siya na-convince kasi nakatayo lang siya malapit pa din sa pinto ng canteen.

“Feeling ko kakain sila ng tao” sabi niya

“Hindi yan. Anong tingin mo sa schoolmates natin? zombie? Haha” natatwang sabi ko at hinila siya papunta sa isang lamesa pero hinila niya din ako pabalik.

“Bakit?” tanong ko

“Sa labas na lang tayo kumain” sabi naman niya. Pakiramdam ko, mas okay na yun kaya naman hindi na ko tumanggi pa.

“Bakit ganyan yung mukha mo?” tanong ko kasi bigla talagang lumungkot yung itsura niya

“Nakakapagtaka lang kasi kung bakit pakiramdam ko pinag-uusapan ako ng lahat ng taong madaanan ko. Tumingin ka sa paligid, parang lahat sila naka-tingin na para bang may ginawa akong dapat nilang pag-fiestahan. Meron ba?” tanong niya sa’kin habang nakayuko lang siyang lumalakad

“Ano ka ba! ‘Wag mo nga silang isipin. Tara, libre na lang kita” sabi ko. pero mukhang nabigla lang ata ako, pwede pa bang bawiin yun? Haha. nagliwanag kasi yung mukha niya, at sa ganyang pagkakataon, alam ko na.

“Oh ba’t para kang nalugi?" tanong niya matapos naming umorder ng pagkain at umupo sa isang mesa na pang dalawahan

“Grabe ka” patampong sabi ko

"Ha? Bakit nga?” tanong pa niya. Seryoso ba siyang hindi niya alam? Minsan talaga engot ‘tong abbaeng ‘to

“Said na said kaya yung laman ng wallet ko sa dami ng inorder mo” patampong sabi ko pero nginitian pa niya ko. Naku mish, ‘wag kang magpa-cute sa’kin. Sa isip-isip ko.

"Haha eh gutom nga ko eh" natatawang sabi niya pa

"Oo mish, buraot ka talaga” sabi ko naman pero instead na ma-offend, allo lang siyang tumawa. Ang hirap pag kaibigan eh, kahit laitin mo ng bongga tatawa lang kasi para sa kanya biro lang yun. Haha. sabagay ganun din  naman yung intension ng term ko.

“Libre na lang kita bukas” nakangiting sabi niya. Nagliwanag ang mukha ko dun. At isang malaking ngiti ang sumilay sa aking mga labi. Haha Joke.  Dapat mapaghandaan ko yung panlilibre niya bukas. Kailangan hindi ako kumain mamayang gabi hanggang bukas haha.

Habang kumakain, naisip kong sabihin kay mish yung nalalaman ko sa Haters Thingy na yun. atleast, prepared siya di ba

"Mish" untag ko sa kanya

"Oh?" tanong niya habang sumusubo ng pagkain

"Alam mo na yung balita?" panimula ko

"Alin? Na maganda ko? Haha tagal na" biro niya

“Seryoso ako, baliw!” angil ko naman

“E’ di ikaw na. Ano ba yun?" tanong niya

"Hindi mo alam?" paniniguro ko

"Malamang" tipid na sagot nito

"Mapapatay ka na wala ka pang alam?" sabi ko na mukhang ikinabigla niya. Bigla siyang nabulunan kaya naman agad ko siyang inabutan ng isang basong tubig

"Dahan-dahan kasi" sabi ko pa

"Ano ba kasing may mapapatay factor ka pa diyan" sabi niya ng makabawi sa pagkakabulon

"Haha peace" sabi ko para naman alisin ang kabang dala nung sinabi ko kanina

"Ano nga kasi yun?" medyo iritadong tanong niya

"May hater’s club ka na daw” paninimula ko. pero yung gulat niyang ekspresyon kanina, medyo nawala at napalitan ng hindi ko maipaliwanag na reaksyon. Para kasing lumungkot siya na parang wala ding pakielam.

"Don’t mind them" sagot niya. Nakakpagtaka namang parang hindi siya nabigla sa balita

"Yun lang ang sagot mo?" tanong ko at tumango lang naman siya

"Paano pag sinaktan ka?” tanong ko

"May guidance naman ang school. They won’t tolerate rude students” sagot nito ng hindi man lang tumitingin sa’kin

"Eh pag sa labas?" tanong ko ulit

"May baranggay office naman” sabi pa niya

“Sabagay” sagot ko. Tinignan ko ulit si Mish na busy lang sa pagkain. Mukha namang hindi talaga siya apektado. Baka, ako lang ‘tong napa-praning. Napa-iling na lang ako bago muling kumain.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon