Chapter 3: Am I Inlove?
[Mish POV]
Am I Inlove? I asked myself that question a hundred times since last night. Why is there something inside me that gone me crazy whenever he’s around. This feeling inside of me that urges me to look for him when I don’t feel his presence. This feeling that keeps my heart skips fast when he smiled. And sometimes, I feel myself breathless, smiling like an idiot. I become weirder and weirder everyday. So now tell me, Am I inlove?
“Uy Mish, Blooming!” sigaw sa’kin ni pinky pagpasok ko sa room namin. I just gave her a smile. Ewan ko ba, feeling ko nawawala pa yung kaluluwa ko at ngiti lang ang kaya kong gawin sa mga oras na ‘to.
“ngeek. Anong ngiti yan? Hoy ikaw ha, wag ka sa’kin magpa-cute. Nasa tamang pag-iisip pa ko” Biro niya. Buang talang ‘tong isang ‘to. Ngumiti lang ako ulit at umupo sa upuan ko.
“Ang weird mo. Wag ka ngang ngumiti, kinikilabutan na ko” sabi niya pa. natawa nalang ako.
“May audition daw lahat ng muse at escort mamayang lunch break, 2 pairs lang ang kukunin per year level kaya galingan mo ha” actually hindi niya ko chini-cheer. Inuutusan niya ko, haha.
“yes boss” I mocked her
“pag ikaw hindi nakapasok sa mga contestants, 1 month mo kong ililibre ng lunch” panakot pa niya.
“makapasok man ako o hindi, madalas ka pa din magpa-libre ng lunch noh” natatawang sabi ko.
“syempre, friends tayo” sabi niya sabay bato sa;kin nung notebook na binato ko sakanya kanina.
--
Pag dating ng lunch break, pumunta agad kami sa audition dahil kinaladkad agad ako ng mga mababait kong classmates. Syempre sa pangunguna ni pinky. Oh di ba, hindi naman sila masyadong excited?! Haha. Yung escort ko naman iniwan ako sa ere. Bahala siya individual naman ang audition e.
“Uy bebe mish, si Xander oh” sabay turo ni pinky sa kabilang side. Narinig ko pa lang yung pangalan niya, parang tumalon nanaman yung puso ko. Dahan-dahan akong lumingon sa direksyong tinuturo ni pinky at nakita ko nga si xander na may kausap, Si Jhake Alvarez. Si Jhake yung isa sa mga Chikboys na tropa ko. Pero si Jhake yung pinaka hindi ko ka-close at mukha namang hindi ko din makaka-close. Ang sungit kaya niyan, parang pinaglihi sa sama ng loob.
“Magkakilala sila?” tanong ko. mukha kasing todo sila makapagkwentuhan eh samantalang magka-ibang section sila. Si jhake from 3-A tapos si xander from 3-C. mostly sa school namin, pag higher section hindi mahilig makipag-close sa lower section lalo na yung mga lalaki kasi payabangan eh.
“hindi ko alam. Ngayon ko lang naman sila nakitang magkausap eh” sagot sa’kin ni pinky.
And dali lang naman ng audition. Pinaglakad lang kami na parang model. Tapos nung nakapili na ng 8 girls and 8 boys, pinabunot kami ng questions sa mga nakarolyong papel sa fishbowl. Tapos sasagutin mo yun na paring nasa pageant ka na. And nung natapos, napili ako. Haha. Nakuha din yung muse ng 2-A. yung escorts naman na napili for 2nd year representative galing sa 2-A at 2-D. sa 3rd year naman nakuha si Xander at Jhake pati muse ng sections nila. Yung sa 1st year at 4th hindi ko kilala. So ayun, 4 pairs kami in total.
“Next week magiging excuse na kayo sa mga klase niyo para sa practice ng opening ng pageant sa intramurals” sabi ng teacher na in-charge sa event.
“Expected ko kayong walo hanggang sa araw ng pageant, ayoko ng may magba-back out. Okay?” striktang tanong niya. Alam ko siya si Ms. Cruz, ang pinaka maganda sa MAPEH department.
“Yes ma’am” we answered in unison before we head back to our own classrooms.
“Hi miss. Ikaw yung muse ng 2-B di ba? Louie mish Lopez right?” sabi nung babaeng lumapit sa’kin habang naglalakad ako pabalik sa room. Maganda siya, matangkad lang ako sakanya ng konti. Maputi siya at simple type. Naka-ponytail lang siya at may suot na reading glass.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...