Chapter 11: The Chikboys

450 3 3
                                    

Chapter 11: The Chikboys

[Jhake’s POV]

Nakahiga na ko ngayon sa kama ko pero imbes na magpahinga na ko, eh nagpapaikot-ikot pa ko. Nung pauwi kasi kami narinig kong sinabi ni Anthony kay Mish na sakanya lang ako masungit. Ano namang gustong palabasin nung ungas na yun? Na nagpapapansin lang ako kasi may gusto ako kay Mish? tsk! Wala kaya!

Kahit gaano pa siya ka ganda, kahit campus sweetheart pa siya. Kahit na ang ganda ng ngiti niya at ang sarap niyang tumawa. Hindi ako magkakagusto sakanya. Kahit mukha pa siyang anghel sa lahat ng angle. Wala pa din akong gusto sakanya. Hindi ko siya type, kaya hindi ko siya gusto! At hindi ako nagpapapansin sakanya noh! hindi! Hindi! At hindi!

“Argh! Nakakainis na mish ha! Patulugin mo ko!” inis na sabi ko ng mapabalikwas ako sa pagkakahiga ko. ikaw kaya, bigla mong Makita sa isip mo mukha nung mish na yun, nakaka-frustrate di ba!

--

Monday nanaman, at heto ako naglalakad papuntang library, para lang malayo sa pangangantyaw nung mga ungas kong tropa. Sikat kami dito, dahil kami ang Chikboys. Ang pinaka-astig na grupo sa St. Cloud Academy. Para kaming F4 na habulin ng mga babae, ehem… ehem… pero may dalawang unggoy na sabit, kaya naging anim kami. Haha. Pero hindi kami mala-F4 na may nalalaman pang Red Tag. Bukod kasi sa mga gwapo kami, matatalino pa kami dahil hindi kami nalalaglag sa Star section. At higit sa lahat, mababait kaming estudyante. Never pa nga kaming napagalitan ng teachers o na-guidance eh. Kami ang mga role models ng eskwelahang ‘to, kaya astig kami.

Aaminin ko, madami kaming pinagkaiba sa isa’t-isa. pero sa tingin ko, yung pagkakaiba-iba namin yung mas nagpatatag sa tropa namin. Freshmen pa lang classmates na kami, at yung samahan namin bilang barkada, hindi na lang basta-basta. Sinu-sino nga ba kami?

Una, Si Gino Escota. Ang lalaking wala ng dapat patunayan. Bukod sa gwapo at matangkad, matalino din siya. Sa’ming anim siya ang may leadership skills. We considered him as our leader pero sabi niya, “Tropa, magkakapatid tayo dito, kaya walang pinu-pinuno. Maliwanag”. Siya din pala ang humakot ng lahat ng pageant titles dito sa St. Cloud Academy. Last year, ang pinaka-huli niyang ipinanalo ay ang Mr. St. Cloud Academy. Ang huling award na kumumpleto sa lahat ng titles ng pageant sa school na ‘to. Patunay lang na hindi lang siya basta gwapo, handsome and brain. Haha.

Sunod, Si Mark Anthony Ignacio. Siya yung tahimik sa tropa, pero pag may ibang tao lang. Kapag kami-kami naman ang magkakasama maingay yan. Asset nyan yung mata niyang parang laging naka-contact lens.

Si Dion Perez naman, no.1 bolero sa tropa. Killer smile ang panlaban niyan. Pag yan ngumiti, asahan mo, may chiks nay an. Haha.

Si Alvin James Paz naman ang mysterious type. Kaya madaling makakuha ng attention from girls. Hindi ko nga maintindihan yung mga babae dito, kasi pag tinignan sila ni Alvin, kulang nalang mangisay sila sa kakatili. Nakakarindi!

Si John Kenneth Cruz  naman yung sabit na unggoy sa chikboys. Haha. walang nababakas na kagwapuhan sa mukha ng ungas na yan pero grabe, ang galing mang-bola. Si Mr. Pick-up Lines yan eh.

At Ako, Si Jhake Alvarez. Ang isang gwapong nilalang na nagsusungit kay Louie Mish. haha. Pagkatapos pakyawin ni gino lahat ng titles ng pageant dito sa school mula 1st year sa wakas naubos niya din. Kaya nung mag 3rd year kami, ako na ang pinapasali sa mga contest. And lahat din naman napapanalunan ko kaya nga kaming dalawa ang heartthrob ng school. Oo, kung sa aming anim, kami ni Gino ang pinakasikat sa mga babae. Ganyan kami, Ang Chikboys.

--

Nasa Library na ko at kasalukuyang naghahanap ng Librong gagamitin ko sa assignment namin sa Chemistry ng mapansin ko ang isang babaeng nakatungtong sa isang hagdan at mukhang may hinahanap ata sa mataas na part ng bookshelf.

“AAAAHHHHH!!!!” bigla nalang may sumigaw, at sa gulat ko naihulog ko ang librong dapat ay ibabalik ko. nang lingunin ko yung babae, malalaglag na siya mula sa inaapakan niya kaya agad akong napatakbo sa pwesto niya. Nakita ko pa siyang napatakip nalang ng mukha gamit ang dalawang kamay at hinayaang malaglag mula sa taas ng hagdan na yun.

Nang masalo ko siya, halata kong umiiyak na siya dahil sa mga hikbing pinapakawalan niya kahit pa nakatakip pa din ang kamay nito sa mukha.

“Miss, ayos ka lang?” tanong ko at dahan-dahan siyang ibinaba. Nakita ko naman siyang tumango-tango pero ng mamukhaan ko siya…

“Mish?” napahinto siya sa pag-iyak at napatingin sa’kin. Nanlaki din ang mga mata niya sa gulat ng makitang ako ang nakasalo sakanya.

“Jhake? Salamat ha” sabi niya kagad sa’kin.

“Ano ba yan mish, ang engot mo naman! Eh paano kung di kita nasalo? Paano ka na?” inis na sabi ko. sa totoo lang, nabigla din ako sa mga sinabi ko pero wala na eh, nabitawan ko na. lumabas na yun sa bibig ko. at hindi ako yung tipo ng taong marunong bumawi ng mga nabitawan ko na.

“salamat ha” sarcastic na sabi niya. “pero kung sasabihan mo lang dip ala ko ng engot, sana hindi mo nalang ako sinalo. Nagka-utang na loob pa ko sa’yo! Bwisit!” inis na sabi niya sabay walk-out sa library. Habang ako, naiwang nakanga-nga.

“ano ba jhake! Anong ginawa mo?” inis na sambit ko sa sarili.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon