[Mish POV]
Gabi gabi nalang ako umiiyak. Nakakpagod na din. Bakit wala man lang siyang ginagawa? Ako pa ba gagawa ng way? Eh ako naman tong walang ginagawa. Isang linggo na din kaming break ni spade. isang linggo na din na walang nagsasalita kay xander at spade kung ano bang dahilan bat sila nag suntukan. Si elise hindi na din masyadong dumidikit kay xander. Baliktad nga, kasi ngayong kailangan ni xander ng aalalay sakanya tsaka naman parang nagka problema sila ni elise. Napapaisip tuloy ako kung ano ba sila? Sila ba? Break na din ba sila parang kami ni spade? nasasaktan pa din ako pero ayaw naman ako kausapin ni spade kaya hindi ko nalang pinapakitang apektado ako. Ako nalang din umaalalay kay xander. Medyo hirap kasi siyang gamitin ung kanang kamay niya at may pilay pa siya sa binti.
Minsan napapa tingin ako kay spade. 3 months lang tinagal namin. Nakakalungkot din pala yung ganito. Nagbreak kami sa bagay na hindi ko alam kung ano
“mish, okay ka lang?” tanong ni xander. Naka upo kami sa bench sa ilalim ng puno, hindi ko namalayan na natulala nap ala ko sa direksyon ni spade na tulala din mag isa.
“ha? Okay lang ako” sagot ko.
“gusto mo bang malaman? Sasabihin ko na sayo” biglang sabi niya
“alin?” tanong ko
“yung nagyari samin ni spade bakit kami nag away” sabi niya.
“alam mong hinihintay ko lang may magsalita sainyo. Sige makikinig ako” sagot ko.
--
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Tinignan ko ung bintana ng kwarto ni spade. simula nung nag break kami hindi ko na sinasara ung kurtina ng kwarto ko. Umaasa akong isang gabi baka maisipan niya kong kausapin at may lazer light nalang na tatagos sa bintana ko tulad ng dati niyang ginagawa pero wala. Isang linggo na din sarado ung kurtina niya at di ko na nakitang binubuksan niya yun.
Nangalumbaba nalang ako sa may bintana. Iniisip ko yung sinabi sakin ni xander kung bakit sila nag away. Dahil pala sakin, pero di ba dapat kinausap niya muna ko hindi yung nakipag bugbugan na siya agad. At nung gabing nag break kami gusto ko lang naman magpaliwanag siya. Sobrang nag alala ako nun at iyak na ko ng iyak habang hinihintay siya tapos gaganunin niya lang ako. Alam kong mali ako nang sampalin ko siya pero tama bang makipagbreak siya?
Nakaka inis! Umupo ako sa bintana ko, ganun kasi yung ginagawa ko dati kapag may problema ako. Nagpapahangin habang naka upo sa bintana.
“HOY SPADE ALAM KONG NANDYAN KA! ANG PANGET MO! BAKIT AYAW MO KO KAUSAPIN? ANG BILIS MO MAG MOVE ON HA! PANGIT!” sigaw ko pero si tita Helen ung lumabas.
“mish, anong ginagawa mo jan? bumaba ka nga baka mahulog kang bata ka” alalang sabi niya
“okay lang po ako tita. Nagpapahangin lang po. Nanjan po ba si spade?” tanong ko
“wala hija. Tapos na daw yung mga dapat niy isubmit sa school niyo kaya maaga siyang nagbakasyon sa bahay ng lolo niya. Susunod din ako dun mamayang gabi” sagot ng mama niya.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...