Chapter 8: Letting Go

512 3 0
                                    

posted: march 27, 2014

Hera's note: Hello readers :D para sa mga new readers, nakalagay sa title kung hanggang saan pa lang yung nare-revise ko. example, nakalagay is hanggang chap. 10 pa lang yung revised chapters, don't read the next chap. why? maguguluhan kayo ng bonggang bongga. I changed some scenes and some dialogues here. I changed the chapter titles, numberings and I also, I changed the character's POV. for now, it's only mish and xander's POV. inalis ko na yung mga POV ni erika at pinky na included sa unang version ng Destiny's Game. don't worry, i'll assure you that all important details on their POV before was putted here, even though it was now said by the other characters. and another thing, I'll assure you that this revised version is far better than the first one. as in YES, inaamin ko hindi maganda yung pagkakasulat ko noon sa destiny's game. siguro dati kasi gusto ko lang magsulat, ngayon, mahal ko na ang pagsusulat. meron na kong deeper feelings for writing so I know this will be better than before.

oh, napahaba na haha. ito po ang tinatawag na nobela ni hera, Joke. sa mga readers, okay lang mag comment kayo pag may napapansin kayong mali or naguguluhan kayo. syempre san pa ba ko pwedeng matuto kundi sa'inyo lang din di ba. friendly naman ako, so you're free to comment here or leave a message on my message board. or even, leave a message on my inbox. i'll response, promise :D

Chapter 8: Letting Go

[Mish POV]

Mabigat ang loob ko ng pumasok ako sa school. Matamlay ako at wala din akong gana. Iyak lang kasi ako iyak kagabi. Ganito pala ang ma-inlove, masasaktan ka, iiyak, pati pag-aaral mo damay.

“Ikaw si Louie mish di ba” break time ngayon at papunta kami ng canteen ni pinky kahit pa wala talaga kong gana. Napatingin ako sa babaeng humarang sa’kin. Ngayon ko lang siya nakita at hindi uniform ng st. cloud academy ang suot niya. Nakapamewang pa ito at nakataas ang isang kilay habang nakatingin sa’kin.

“Ako nga. Sino ka?” walang ganang tanong ko. kaya nagulat ako ng hilahin niya ang buhok ko

“Teka! Aray! Sino ka ba? Bitawan mo ko” pagpupumiglas ko. umingay a din ang paligid at narinig kong inaawat din kami ni pinky

“malandi ka! Dahil sa’yo nasa ospital ang ate ko! dahil sa’yo muntik na siyang mamatay!” sigaw sa’kin ng babae habang hindi pa binibitawan ang buhok ko.

“ano bang sinasabi mo? Hindi nga kita kilala. Bitawan mo na ko. nasasaktan na ko, ano ba!” inis na sigaw ko pero hindi pa din niya ko binitawan kaya nakipagsabunutan na din ako sakanya hanggang sa naramdaman ko nalang na unti-unti ng lumuwag yung hawak niya sa buhok ko. pag-angat ko sa ulo ko, nakita kong hawak siya ng mga kuya ko sa chikboys at nilapitan ako ni Gino.

“ayos ka lang mish?” tanong niya. Tumango-tango lang ako habang tinitignan kong mabuti yung babaeng sumabunot sa’kin. Maya-maya dumating na din yung guidance counselor para alamin yung nangyari at dinala kaming pareho sa guidance. Sinamahan naman ako ni pinky sa loob habang yung chikboys nasa labas lang ng pinto. Hanggang sa may pumasok na lalaki sa guidance at nagpakilalang Sherwin, taga St. Cloud Academy din. At yung babaeng nanabunot sa’kin, siya daw si Irish, kapatid ni Erika.

“So Ms. Irish, you’re an outsider and started a fight with our students. Did you know that we can report it to your school and you can be punish” sabi sakanya ng guidance councilor namin, pero parang wala lang sakanya dahil masama lang ang tingin niya sa’kin.

“do whatever you want. Ang mahalaga malaman ng babaeng ‘to, na malandi siya” nanggigigil na sabi niya habang nakatingin pa din sa’kin. Samantalang ako, hindi nagsasalita.

“paano naman naging malandi si mish? yung ate mo malandi” si pinky ang sumagot.

“you, shut up! Hindi ka kasali dito kaya wag mong isali ang sarili mo” mataray niyang sabi kay pinky at tumingin ulit sa’kin

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon