posted: 05/27/14 . revised :D
Chapter 7: Flashback
[Xander’s POV]
Ayoko pa siyang bitiwan. Kasi alam ko, hindi ko na siya magagawa pang lapitan. I want her to listen, pero masyado na ata siyang nasasaktan kaya wala na kong nagawa kundi hayaan siya. Malakas ang ulan, at nag-aalala ako sakanya. Pero nasaktan ko siya, wala akong karapatang pigilan siya.
Hindi ko naman ginusto yung mga nangyayari, at hindi ito yung nasa plano ko. Pero ako pa yung naging dahilan para makaramdam siya ng sakit. Naiinis ako sa sarili ko, ang gago ko!
Pumikit ako at unti-unting bumalik sa alaala ko yung nangyari 2 years ago. Yung ginawa ng tadhana para magtagpo kaming dalawa ng babaeng ngayon ay tumatakbo palayo sa’kin.
[Flash back]
Bakasyon yun, at maganda ang panahon para magbike. Hanggang sa may nakita akong babaeng umiiyak sa tabi ng kalsada. Kung titignan mo yung suot niya nun, masyadong maganda. Halatang bakasyunista.
“bakit ka umiiyak? Anong pangalan mo?” tanong ko ng makalapit ako sakanya. Tumingin naman siya sa’kin at basing-basa na ng luha yung mukha niya kaya naman inabot ko sakanya yung dala kong panyo para makapagpahid siya ng luha.
“Louie Mish po. Gusto ko na umuwi” sagot niya. Kung titignan ko siyang mabuti, mukha siyang bata sa’kin. Tsaka mukha siyang anghel. Anghel na umiiyak sa kalsada kasi gusto ng umuwi. Haha.
“wag ka ng umiyak. Sasamahan kita pauwi kung gusto mo. Taga saan ka ba?” tanong ko pero parang alangan yung mukha niya.
“hindi ko kasi alam eh. Ang alam ko lang po may Villa” napayuko siya
“okay lang yan. May tatlong villa malapit dito. Vallencia, Alonzo at—“ pero hindi ko natuloy kasi sumagot na siya
“Villa Valencia po. Dun yun” tuwang-tuwang sabi niya. Napangiti naman ako sakanya.
“sakay ka na sa bike ko. hahatid na kita sa’inyo” sa sobrang tuwa niya agad siyang sumakay sa bike ko at humawak sa bewang ko. pakiramdam ko lumukso yung puso ko. ano ba yan! Ang cute niya kasi eh!
--
“apo” sabay yakap sakanya ng isang matanda pag dating pa lang namin sa tapat ng Villa Valencia. Siguro kanina pa siya nawawala dahil mukhang alalang-alala na yung itsura ng matandang sumalubong sa amin.
“saan ka ba galing? kanina pa ko nag-aalala sayo” tanong nung lola niya
“pesensya na po lola. Niligaw kasi ako nung mga kasama ko kanina” paliwanag ni mish sa lola niya.
“mga salbahe talaga yun, paano ka naka-uwi?” tanong ng lola niya. Tumingin naman sa’kin si mish at tinuro ako sa lola niya.
“may naghatid po sa’kin. Siya po oh” Ngumiti naman sa’kin yung lola niya
“salamat hijo, halina sa bahay namin. Magmerienda ka man lang bilang pasasalamat ko sa’yo” sabi pa ng lola niya. Agad naman akong sumunod sakanila.
Pagpasok namin sa bahay, umupo lang kami sa dinning table habang kumukuha yung lola niya ng merienda. May inabot naman sa’king panyo si mish at may burda ng pangalan niya
“para saan ‘to?” nagtatakang tanong ko pero kinuha ko pa din yung binibigay niya.
“kapalit ng panyo mo. Uuwi na din kasi ako bukas, kaya baka hindi ko na ma-ibalik yung panyo mo, kaya papalitan ko nalang” nakangiting sabi pa niya.
“Salamat. Lagi ka bang nagbabakasyon dito?” tanong ko.
“Oo. Madalas ako dito pag summer” nakangiti namang sagot niya.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...