Chapter.51*Best Thing Doesn't Lasts Forever*

151 0 0
                                    

[A/N: ITO NA PO YUNG 2ND TO THE LAST PAGE OF DESTINY'S GAME. SANA PO MAG COMMENT KAYO KUNG ANO MASASABI NIYO HANGGANG SA ENDING. SALAMAT :)

AT SANA PO SUPORTAHAN NIYO PA DIN AKO HANGGANG SA BOOK II NG DESTINY'S GAME. DUN MASASAGOT YUNG IBANG TANONG. AND 2YEARS AFTER GRADUATION YUNG SETTING NUN. WHICH MEANS... 2ND YEAR COLLEGE NA DUN SI MISH AND ABANGAN NIYO DIN PO YUNG MGA BAGONG CHARACTERS :) SALAMAT]

[Mish POV]

 

Gabi gabi nalang sa panaginip ko dinadalaw ako ng senaryong yon. Mga bagay na nangyari nung valentines day

Simula nun, gabi gabi nalang din akong umiiyak. Paano ko siya iiwan? Pano ko kakayaning malaman na masasaktan siya sa sandaling umalis ako?

“I’m just, I’m just happy. Yes, I’m just happy. Tears of joy lang to”

Pa ulit ulit yang umiikot sa utak ko. Mga salitang kaplastikan na sinabi ko. That night, I feel an overflowing happiness at the same time that happiness also makes my heart break into pieces.

Sa mga oras na yun na yakap ko siya. Iniisip ko kung bakit minahal ko siya ng sobra. Bakit parang di ko kakayanin kapag umalis ako sa tabi niya. Pakiramdam ko kapag bumitaw ako sa yakap na yun, yun na ang ending naming dalawa. Na huling yakap na yun at dapat ko ng sulitin. Na bawat minutong magkasama kami baka wala ng kasunod.

Mahinang katok ang nagpahinto sakin sa pag iyak. Bumangon ako para buksan ang pinto at nakita ko si lola

“hija, umiyak ka ba? Bakit ganyan ang mata mo?” tanong niya.

“sinisipon lang po ako lola, pero uminom nap o ako ng gamut kagabi. Bakit po kayo kumatok?” tanong ko

“ala sais na ng umaga apo. Bumaba ka na para mag almusal pagkatapos maligo ka na at dadating na yung mag aayos sayo” naka ngiting sabi niya. Tumango lang ako at sinara muli ang pinto. Graduation day ko pala ngayon. Baka ito na din ang huling beses na makikita nila ko. Naiplano ko na ang lahat.

Napatingin ako sa toga ko na nakasampay malapit sa bintana. Hinawakan ko yun at sinabi sa isip ko na

Ikaw ang simbolo ng pagtatapos ko sa high school. Ikaw ang sisimbolo sa pagtatapos ng kwento namin ni spade.

Nalulungkot ako na ito ang naging tadhana ko. Kung hindi lang ako naging si louie mish villegas, siguro Masaya ako. Sana hindi ganito ang laro ng tadhana ko. Kung naging simpleng tao lang ako.

 

Pero sa kabilang banda Masaya na din ako. I had the best fairytale on my own story. I met the prince that saves me. Akala ko nun dahil hindi naging maganda ang nangyari samin ng firstlove ko, everything ends there. Until I met spade, who taught me everything and help me to open my heart for others. He made me happy all the time and that worth treasuring fo a life time.

 

Napa buntong hininga nalang ako. March 27, 2015 will be the day to remember.

 

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon