[Mish POV]
Nandito kami ngayon sa school canteen at nag memerienda. Tumawag sakin kanina si lolo at kinakamusta ako. Di tuloy maiwasang may maalala ako, kanina ko pa nga tinitignan si spade. Pano na lang siya pag wala na ko. Baka di niya kayanin.
“misis! Ang lalim ng iniisip mo” untag niya sakin. Natauhan naman ako.
“ha? Ah eh hehe wala. Pagod lang ako. Ang hirap nung test kanina di ba” palusot ko.
“sabagay. Tama ka. Pahinga ka nalang agad pag kauwi natin” sabi niya. Ngumiti nalang ako.
--
Kinabukasan nauna akong pumasok kay spade. Sinadya ko talaga yun kasi ayoko muna siyang kausapin. Kailangan kong mag-isip. Ito ung kinatatakutan ko noon kaya ayaw ko sana siyang sagutin. Ang plano ko nun, hihintayin ko nalang siyang magsawa sa panliligaw sakin. Kaso sa dami ng nagawa niya para sakin, unti unti akong nahulog sa kanya. At nagyon, natatakot akong baka masaktan ko siya.
Hindi ako dumeretso sa room, mamaya na ko pupunta dun kapag time na, para hindi niya na ko matanong. Hindi ako tumambay sa science garden kasi alam niya na lagi ako don, kaya ngayon para di niya ko mahanap dumeretso ako sa maliit na fish pond ng school dito sa likod ng building ng mga 4th year.
Mag isa lang ako dun na nakaupo nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Pag lingon ko
“xander? Anong ginagawa mo dito?” tanong ko
“tambayan ko kaya to’ mish. Ikaw ang bakit nandito?” tanong niya
“wala lang. nagpapahangin” sagot ko.
“may problema ka ba? Tungkol ba sainyo ni spade? Inaway ka ba niya?” tanong niya. Akala ko mind reader na si xander. Tama kasi siya, may problema ako at tungkol samin ung ni spade. Pero mali siya, hindi naman ako inaway ni spade eh.
“hindi. Basta sekreto” sagot ko
“sige, okay lang na hindi mo sabihin basta nandito lang ako para sayo. Kaibigan mo na ko db” sabi niya
“salamat, pwede bang sumandal?” sabi ko.
“oo naman” sagot niya at sumandal nga ko sa balikat niya. Ang sarap ng haingin dun at ang tahimik
“xander, pwede bang pag alis natin kalimutan mo na din lahat ng gagawin ko nagyon? Tulad ng pagsandal ko sa balikat mo” tanong ko
“oo naman. Ano bang gagawin mo?” tanong niya
“gusto kong umiyak. Iiyak ako sa’yo pero wag mo sasabihin kahit kanino. Gusto ko lang irelax yung sarili ko” sabi ko
“ano ba talagang problema mo mish?” tanong niya.
“wag mo nang alamin. Sabihin nalang natin na kahit kanino wala pa kong pinagsasabihan nito at malalaman niyo din naman sa tamang panahon, hindi lang ngayon” sagot ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko at pinapanatag ako.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...