[Xander's POV]:
pumunta na kami sa bonfire na ginawa namin kanina. nakaupo kami nang paikot doon. ang saya tignan na lahat okay na. si mish nakapagitna kay elise at pinky. mukhang sa wakas ayos na sila, si jhake kanina pa kausap ni spade, mukhang nagkasundo na din sila. pero sa kabilang banda, nakaramdam ako ng lungkot at inggit. lungkot na, unti.unti ng naayos lahat. pero kami ni mish ganito pa din, nag iiwasan. Inggit na nakapagpatawaran na sila at pwede ng mag move on. samantalang ako naka bitin pa din. para akong napag iwanan at ngayon humaharap sa madilim na kalye na may dalawang likuan. kukunin ko ba ung daan sa kaliwa? o ung sa kanan?
"Oy, malunod ka" bigla akong natauhan ng may tumapik sa balikat ko. Si Ken lang pala
"Ang lalim ng iniisip mo, naiingit ka noh?" sabi niya. napa tingin ako sakanya, may pagka mind reader toh ah haha
"kwento ka tropa, man to man talk tayo" natatawang sabi niya
"naiingit lang ako, tignan mo sila. ok na silang lahat. wala ng harang, open na sila sa isa't isa. makakapag simula na sila" sabi ko
"kausapin mo si mish, baka ready na siya ngayon" sabi ni ken
"kinausap ko na siya dati pero galit siya sakin" sabi ko
"kailan mo ba siya kinausap?" tanong niya
"nung pasukan. nung nagkita kami ulit" sagot ko. napangiti siya
"g*go! baliw ka ba tropa. pagkatapos mo mawala bigla mong kinausap sa mismong araw na nagkita kayo ulit. kahit siguro ako yun magagalit talaga ko. ano bang gusto mo? lahat ng bagay naka ayon sayo?" seryosong sabi niya
"mali ba?" tanong ko
"tara" sabi niya. tumayo siya at sinundan ko siya. pumunta kami sa rooftop ng bahay
"di ba tinatanong mo ko kung mali?" tumango naman ako
"maling mali. hindi mo siya binigyan ng pagkakataon na mag isip kung ano ung nararamdaman niya na nagkita kayo ulit. na magtanong kung san ka nagpunta. bat ka nawala, anong nangyari sayo. lahat ng yun hindi mo binigay sakanya. pagkakataon, yan yubg tinanggal mo sakanya. ano bang tingin mo? isang araw ka lang nawala at pagbalik mo ganun pa din ang lahat?" sa mga sinabi niya, natauhan ako. tama siya, masyado kong binigla si mish. ni hindi ko man lang siya hinayaang magalit o magtanong sakin. inassume ko kasi na ayos lang ang lahat. na kailangan lang namin mag usap at yun na lahat yun. mali nga ako, maling mali.
"anong gagawin ko?" tanong ko
"ano bang gusto mong gawin?" balik ba tanong niya
"kausapin mo siya" biglang may nagsalita sa likod namin. pag tingin namin nakita ko si spade at jhake
"kanina pa ba kayo jan?" tanong ni ken
"medjo,sinundan talaga namin kayo" sagot ni spade
"ayos ba payo ni ken? lakas maka words of wisdom nuh, meron pala siya nun" natatawang biro ni jhake
"papupuntahin ko dito si mish, sabihin mo na lahat, mag usap kayo. ayusin niyo na toh" sabi ni spade
hindi ako umimik pero umalis na siya kasama si ken. naiwan kami ni jhake dito
"nung umalis ka para pag bigyan ako. inisip mo bang magugustuhan ako ni.mish?" biglang nagsalita si jhake. pero isa lang ang sagot ko sa bagay na yan
"nung umalis ako, hindi ako nagparaya para sayo. dahil pinsan kita? hindi ganun yun. umalis ako kasi naniniwala ako sa tadhana" sagot ko. tumingin sakin si jhake na naka kunot yung noo
"nung una kong nakita si mish wala pa siya sa high school nun, siya yung babaeng umiiyak sa gilid ng kalsada kasi hindi niya alam paano umuwi. siya din yung babaeng sa kauna unahang pagkakataon, nagpaniwala sakin na totoo ang love at first sight" napangiti ako ng maalala ko yung araw na yun. akala ko ka kornihan lang yun, pero iba din pala pag ikaw mismo sa sarili mo naranasan mo na yung isang beses palang kayong nagkikita at sa unang pagkakataon na yun hindi mo na siya makalimutan at hinihiling mo araw araw na sana magkita kayo ulit.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...