Chapter 4: Is this the Happy Ending?

655 7 2
                                    

Chapter 4: Is this the Happy Ending?

[Mish POV]

“Good Luck Mish. Kaya mo yan” sabi sa’kin ng mga classmates ko habang papunta na ko sa backstage at hinahatid nila ko.

“Oo naman si bebe mish pa, naniniwala akong ipapanalo niya ‘to” sabi naman ni pinky. Nginitian ko lang siya, dahil ang totoo kinakabahan na ko. 1st day ng intramurals week ngayon, at ito na ang pageant day.

“isipin mo lang yung inspirasyon mo” bulong niya sa’kin at naramdaman ko nanamang tumalon ang puso ko.

“ano ba pinky” saway ko sakanya pero tumawa lang siya. Pero speaking of inspirasyon, hindi ko pa siya nakikita kanina, actually pati kahapon. Hindi siya pumunta sa last rehearsal, kainis nga eh.

“Mish, parade daw pala muna” biglang lapit sa’kin ng isa sa mga classmates kong si Elise.

“Hah? Saan ang parade?” tanong ko naman. Ano bay an, naka-ready na ko sa backstage, tapos may parade pa pala. Ba’t wala man lang nagsabi, mukha tuloy akong engot. Haha.

“Sa labas daw ng school eh. Nakapila na sila sa oval, per section. Sa Harap yung Representative” sabi ni Elise kaya agad na kaming pumunta dun.

“wait lang, ayusin ko yung sintas ko” sabi ko. dahil school intrums nga ‘to. Naka-sports wear kami. Pang basketball yung sa’kin na kulay yellow kasi sophomore ako. Pag freshmen green, juniors red and seniors blue.

Pumunta ako sa likod ng building na pinakamalapit sa pwesto ko para mag-ayos ng sapatos ng bigla kong nakita si xander na may kausap na lalaki. Nandito lang pala siya, bulong ko sa isip ko. Pero ng ngingitian ko sana siya, napansin ko yung gulat sa mukha niya na para bang ‘di niya inaasahang Makita ako at yumuko siya paalis. Iniiwasan niya ba ko?

“Oy Mish, tara na” sabi sa’kin ni pinky na sinundan pala ko. humarap ako sakanya

“nakita mo yun?” tanong ko. kumunot noo naman siya

“alin?” tanong niya

“si xander. Iniiwasan niya ba ko?” tanong ko ulit.

“ha? Bakit ka naman nun iiwasan? Tara na nga, papagalitan na tayo ng adviser na’tin eh” sabi niya at hinila na ko pabalik sa pila. Pero iniisip ko talaga kung bakit parang may kakaiba sa kinilos ni xander kanina eh.

Nag-umpisa na yung parade, hindi ko na din siya nakita. Ano ba ‘to! Bakit nakaka-frustrate mainlove?! Nakakainis!

--

Iniiwasan ba niya ko? na-fall out na ba siya ngayong ako naman ang na-fall in? lechugas ka louie mish! ano ba!

Kung dagat ‘to, baka kanina pa ko nalunod sa lalim ng iniisip ko. nakakainis mag-isip, nakakayamot mangunsumi, nakaka-frustrate ma inlove! Nakaupo lang ako mag-isa sa bench sa school. Gusto kong mapag-isa, gusto ko ng katahimikan. Tsaka napagod din ako sa parade, ang init kaya.

“ang lalim ah” nagulat ako sa nagsalita, Si pinky lang pala. tinignan ko lang siya tsaka muling tumingin sa kawalan.

“anong iniisip mo?” tanong niya

“wala” tipid na sagot ko.

“ah, eh sinong iniisip mo? Uy si xander” panunukso niya pa.

“tantanan mo nga ko pinky!” sigaw ko. naiinis na nga ko kasi ayaw niyang maalis sa isip ko, lalo niya pang pinapaalala.

“Sorry” bigla akong natauhan ng marinig ko yung sorry niya. Shet mish! bakit mo siya sinigawan! Inis na sabi ko sa sarili ko.

“hala sorry pinky, hindi ko sinasadya” sabi ko pero ngumiti siya.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon