Chapter.45*Perfectly Inlove*

157 1 0
                                    

[Spade’s POV]

Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila mish at hinihintay siya. Sabado ngayon at sa martes pa talaga yung monthsary namin pero dahil may pasok yun, we decided to have an advance celebration. Pupunta kami ng park ngayon to celebrate our first ever monthsary as girlfriend/boyfriend.

“Good Morning Spade” bati sakin ni mish pagkalabas niya ng bahay nila.

“Good Morning din misis” sagot ko. She’s smiling and that makes her beautiful. Ang ganda niya sa suot niyang knee-length floral dress at red cardigan. Good thing she’s wearing flats, white doll shoes. Syempre baka mahirapan siya maglakad sa park kung naka heels siya hehe. Ako naman, I just wear a khaki pants, navy blue cardigan with white V-neck shirt sa loob and syempre my favorite converse. Hehe.

--

Pagka-dating namin sa park, una kaming pumunta sa arkilahan ng bike. Nag rent kami ng isa na may angkasan sa likod. Hindi naman kasi siya makakapag bike ng naka dress eh. Hehe.

“angkas ka na misis” sabi ko nang maayos ko na yung upuan niya. Pero instead na kumilos, she just smiled.

“anong nginingiti mo diyan?” nakangiti ding tanong ko.

“wala lang. feeling ko kasi ako si jenny eh” sabi niya.

“sino naman si jenny?” kunot noong tanong ko.

“wala ka talaga. Siya yung bida sa Endless Love I. ang ganda kaya nung story nun. Nakaka kilig sila ni Johnny. Korean drama kasi yun kaya wala kang alam eh” sabi niya. Natawa naman ako.

“haha. Kaya ka nakangiti kasi kinikilig ka noh” pang aasar ko

“haha. Ang assuming ng boyfriend ko” sarcastic niyang sabi.

“haha biro lang. sakay na Jenny ng buhay ni Johnny” natatawang sabi ko. Pero lumungkot yung mukha niya.

“pero alam mo, kahit gaano pa kaganda yun ang lungkot ng ending kasi namatay yung babae at sumunod sakanya yung lalaki” sabi niya.

Pinisil ko naman yung magkabilang pisngi niya.

“alam mo misis, story nila yun. Iba naman yung kwento natin. Yung satin perfect fairy tale. No obstacles, no barriers, it’s only you and me at wala tayong ending. Kasi meron tayong happily ever after” ngumiti ako sakanya at hinalikan siya sa noo.

“smile ka na. tsaka sumakay ka na, iikutin pa natin yung park” sabi ko. Ngumiti naman siya.

“oy chansing ka misis, wala pa” biro ko nang humawak siya ng mahigpit sa bewang ko. Hinampas niya naman ako sa likod ng mahina.

“ang feeling mo talaga, assumero pa” natatawang sabi niya.

Malaki laki din pala tong park na to. At ang sarap magbike, nakaka relax. May nadaanan kaming nagtitinda ng bubbles, naramdaman kong isang kamay nalang ni mish yung nakakapit sa bewang ko. Pag lingon ko yung isa niyang kamay ginamit niya para hawakan ung mga lumilipad na bula. Napangiti ako kasi mukhang gusting gusto niya yung bubbles. Lumapit kami kay manong na nagtitinda at bumili ako ng dalawang bubble maker.

“tara na misis, mamaya ka na maglaro ng bula” nakangiti kong sabi at pinagpatuloy na namin yung pag ikot naming sa buong park.

Mahigit isang oras din kami inabot sa pagba-bike sa dami ng station namin. Haha. Mukhang nag eenjoy siya sa pamamasyal ditto sa park. Sinoli na namin yung bike para makapaglakad lakad naman.

“misis, san mo gustong pumunta?” tanong ko.

“dun sa souvenir shop kanina. Hindi kasi ako naka tingin ng maayos” sabi niya

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon