[Spade's POV]:
Quarter to 6pm na pero hindi pa din ako pumupunta kila mish
Hindi kasi ako mapakali kaka ikot dito sa harap ng salamin
Ok na ba tong suot ko? Baka kasi hindi magustuhan ni mish, ano ba yan. Kailan pa ko nawalan ng confidence? Hay!
“anak” napalingon ako sa pinto ng kwato ko na bumukas at bumungad si mama
“bakit po?” tanong ko
“hindi ka pa ba pupunta kila mish?” tanong niya
“eh kasi ma” napaisip muna ko bago ko nagsalita ulit
“eh kasi po… uhm, bagay ba? Tingin mo?” tanong ko tsaka pinakita yung suot ko
“haha, nasan na yung tapang ng anak ko? Bigla ka atang na conscious sa porma mo, gusto mo tawagan si daddy?” tanong ni mama
“h’wag na po, si mommy talaga, sige na po labas ka na, bababa na din ako” sabi ko. Makulit talaga yun si mommy, alam naman niyang aasarin lang ako ni dad pag nagtatanong ako dun e. masyadong supportive magulang ko nuh haha
Humarap ako ulit sa salamin tska tinignan yung suot ko
bahala na! gwapo naman ako eh. Yan ang confidence haha xD
Andito na ko ngayon kila mish hinihintay siyang bumaba. Naka rinig ako ng tunog ng sapatos, napatayo ako. Si mish na siguro yun, pababa ng hagdan. Hindi nga ako nagkamali, siya nga!
Napatulala ako, ang ganda niya. Bagay na bagay sakanya yung fit ng black dress niya, hindi masiyadong sexy para sa edad naming, hindi din kataasan ung heels ng sapatos niys. Naka tirintas ung buhok niya sa left side ng balikat niya at ang simple lang ng make up niya. Pero lumitaw talaga yung ganda niya
“oy laway mo spade” sabi niya
“wala kaya, assuming” biro ko
“hoooh! Wala daw, tara na” yaya niya
“gutom ka na agad? Maglilinis ka pa ng bahay” biro ko, tinignan niya ko ng masama
“haha joke lang” sabi ko sabay ngiti, inalalayan ko na siya papunta sa kotse. Syempre may driver kami haha xD
Nakarating kami sa Italian Restaurant kung saan ako nagpa-reserve para sa dinner date naming. Umorder lang muna kami bago ako nag salita
“you like the place?” tanong ko. Palingon lingon kasi siya
“Ou” maikling sagot niya
“spade” tawag niya
“yes?” tanong ko
“asan ang daddy mo?” tanong niya
“nasa bahay naming sa Quezon City, bakit?” sagot ko
“ah... wala lang. anong trabaho niya?” tanong pa ni mish
“business man siya, ang daddy mo?” sagot ko at ganti na din ng tanong
“businessman din” maikli niyang sagot
“oh I see. Anong business niyo?” tanong ko
“madami eh, kayo ba?” sagot niya
“real state, development center, ganun” sagot ko naman
Hanggang sa dumating na yung order naming kwentuhan lang kami ng kwentuhan tungkol samin
“ay spade, may sasabihin pla ako” sabi pa niya
“Sige. Ano yun?” tanong ko
“hindi toh alam sa school. Kung may nakaka alam man ung chikboys lang at ung mga haters ko na kumidnap samin ni pinky noon. Businessman dad mo db, alam mo naman siguro yung Villegas Incorporated db” sabi niya
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Teen FictionYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...