Chapter.36*Sunset Moment*

208 1 1
                                    

A/N: NI-REPOST KO PO YUNG CHAPTER 35. NA I-POST KO KASI YUN NG HINDI PA TAPOS LAST WEEK KAYA AYUN, HEHE FEEEL FREE TO READ THAT CHAPTER AGAIN, MAS MAAYOS PO UNG 2ND POST KO :)

[Mish POV]:

Nag ala- eat and run nga kami ni spade. Ang sama namin db

Dinala ako ni spade sa mini garden sa labas ng mall

Pero nakita kong naka simangot siya, na bother naman ako. Kanina ang saya pa niya eh

“uy! Problema mo” takang tanong ko

“wala” sagot niya

“wala? Ows? Ano na un?” tanong ko ulit. Pero imbis na sumagot tinitigan lang niya ko

“hala, bakit nga? Ano nga kasi yun?” tanong ko ulit. This time niyakap niya na ko

“uy ano ba spade, bakit ka ba nangyayakap?” tanong ko ulit habang kumakawala sakanya pero hindi siya sumagot at mas hinigpitan pa ang yakap niya. Hinayaan ko nalang siya, nasa dalawang gilid ko ang kamay ko, habang nakapatong sa balikat niya ang baba ko. Siya naman nakapa ikot sa baba ng balikat ko ang mga braso niya at nakapatong ang baba sa balikat ko.

Maya maya narinig ko na siyang magsalita.

“mish”

“bakit?” tanong ko habang nasa ganun pa din kaming posisyon.

“mahal mo pa ba siya?” tanong niya. Kumabog aagad ang dibdib ko. At alam kong si xander ang tinutukoy niys

“ah eh” hindi ko mahanap ang dapat na sagot. Ano nga ba? Mahal ko pa ba siya? Si xander ba talaga? Pero Masaya ako pag kasama ko si spade, pagmamahal na ba yun?

“haha psychological question yan. Kung sino ang una mong naisip ibig sabihin mahal mo pa nga siya” paliwanag niya at bigla siyang natawa

“pano mo ba masasabing mahal mo ang isang tao?” tanong ko.

Kahit ako naguguluhan na ko, ano ba talaga ang love? Pano mo malalamang nag mamahal ka? At anong klase ng pagmamahal yun? Dati magaling ako jan, dati ako ung love adviser ng mga kaibigan ko. Pero nung naramdaman ko ung love na sinasabi nila, ung love na magulo, complicated naguluhan na din ako. Dati binabase ko lang sa mga napapanuod kong palabas at naririnig na kanta ang kahulugan ng love, pero nung naramdaman ko na yun, ung pakiramdam na di mo maintindihan, magulo pala. Madaming bagay ang makakaharap mo, mga bagay na magiging dahilan ng bawat desisyon na gagawin mo. Mabuti  man o masama, pagsisihan mo man o hindi, tama o mali, ikaw ang gagawa ng desisyon na yun. At ikaw ang makakaramdam ng bunga ng desiyon na yun. Dati nga may nabasa pa ko na, sa love hindi lahat ng desisyon na magiging Masaya ka ay tama, at hindi porket nasaktan ka, mali na. ganyan kagulo ang pag ibig. Pero dumating siya at ginulo ako, pinaglaruan ako ng tadhana ko sa pamamagitan ng pag ibig. Hindi ko na alam, ano ba ang dapat? Sino ba talaga? Ano ang sagot sa tanong na umiikot sa utak ko, bakit ganito? Bakit madaming tao ang nahuhumaling sa pag ibig na yun kung kaya niyang makasakit at makagulo ng buhay ng tao? Sino bang nagpa uso nun?

“walang eksaktong sagot jan mish, dahil wala pang taong Masaya ang nakakapag define sa love, basta ang sabi nila…” humiwalay siya sakin at hinawakan ung mukha ko gamit ang dalawang kamay niya tsaka ngumiti at sinabing “Love is something no one can explain, it can make you feel mix emotions at the same time”

“huh?” tanong ko

“wala, sabi ko mahal kita. Tara na” hinawakan niya ang kamay ko parang may kakaiba akong naramdaman. Parang ayokong bitawan niya ko.

Pumunta kami sa parking lot kaya nagtaka ako, uuwi na ba kami agad?

“uuwi na tayo?” tanong ko bago kami makalapit sa kotse niya

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon