Chapter 1: Meet Xander

1.2K 26 2
                                    

Chapter 1: Meet Xander

[Mish POV]

“Yehey!” Biglang nagsigawan yung mga lalaki sa classroom namin. Sila yung mga lalaking mostly nakaupo sa pinakasulok ng classroom sa likod. Pag nagsigawan yan ibig sabihin nag-ring na yung bell at oras na ng uwian.

“Mish!” Tawag sa’kin ni pinky

“oh? Bakit?” sagot ko naman

“Wait mo ko hah, may kakausapin lang ako” sagot naman niya

“Ok. Pakibilisan nalang, hintayin kita dito” tapos umalis na siya na hindi man lang pinatapos yung sinasabi ko.

“Mmmiiiiiissshh!” bigla ko na lang narinig yung mahaba at malakas na pagtawag ni pinky sa pangalan ko na para bang may sunog at feeling mo nakalunok siya ng megaphone.

“Oh? Na’san ang sunog? Na’san?” tanong ko sabay kunwari umaarte ako na nagpapanic at palingon lingon sa paligid.

“arte mo bebe mish! na-excite lang ako hehe” sabi niya sabay peace sign tapos may sinenyasan siya na lumapit.

“mish, this is my oh so gwapong neighbor na schoolmate na’tin si Alexander De Guzman. Xander for short” tinignan ko yung lalaking gwapo nga. Matangkad, maputi, may pagka singkit, pamatay yung ngiti tapos mukhang babaero. Malakas talaga Vibes ko, ma-chicks ‘to.

“Xander ito naman ang aking super bestfriend si Louie Mish Lopez. Mish nalang” pagpapakilala sa’kin ni pinky dun sa xander. Nakatingin lang ako habang si xander ngiting ngiti sa’kin. Then, bigla siyang nagsalita. 

“Actually, I know you. I mean sino bang hindi nakakakilala sa’yo di ba. Transferee ka at muse ng Section niyo” nag nod nalang ako. Totoo naman yung sinabi niya eh. Ewan ko ba sa mga tao dito, parang ang big deal kung may transferee at kung sino yung muse ng bawat section. 1st day of school palang, election na agad sa bawat room then pagdating ng breaktime may mga nag-iikot na from other year and section para tanungin kung sino yung muse. Tumingin ulit ako kay pinky tapos kay xander uli. Parang hindi ko siya mangitian. Parang ang lakas ng feeling ko na hindi matino ‘tong lalaki na ‘to.

Napansin ko namang Inabot niya yung kamay niya para makipag-shakehands. Kinuha ko naman pero binawi ko din agad.

“I’ts nice to finally meet you Mish” nakangiti pa din na sabi niya.

“me too” sagot ko then tinignan ko na si pinky.

“I have to go, ayan na sundo ko e. bye” nakita ko pa silang nag-bye bye gesture pero hindi ko na sila inintindi pang lingunin. 

Actually parang Mr. Perfect na din si Xander. Matangkad, gwapo, as in Artistahin. Sa totoo nga lang, siya yung nag-standout sa mga nakilala ko na from other sections and year e. except chikboys ha. Syempre para sa’kin mas gwapo sila. Haha barkada eh. You will know who the chikboys are later on but not now. Haha. Balik tayo kay xander, Mabaet? Ewan ko lang. ganun naman yung mga lalaki eh, laging mabait sa una. Oh don’t get me wrong, hindi ako man hater ah. Sinasabi ko lang yung mas madalas na napapansin ko.

--

Mahigit isang linggo na rin simula nung nakilala ko si Xander. Nag-start na din siya manligaw. Sabi ko na nga ba yun din pakay nun eh. Araw-araw pinupuntahan niya ko tuwing umaga bago magklase, sa tanghali pag-lunch time at tuwing uwian. Okay naman ako makitungo sakanya, acting kaya forte ko haha joke. Sabi kasi ni pinky i-try ko daw muna bigyan ng chance si xander para ipakilala yung sarili niya. So ayun nga ginagawa ko, si pinky pa ba ang tatanggihan ko? haha.

“so, how is he?” tanong ni pinky

“Who?” takang tanong ko. naglalakad kasi kami sa campus ng bigla nalang siyang magtanong

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon