Chapter 12: Cat and Dog

450 3 0
                                    

posted: April 07, 2014

Wanna say Hi :D

Chapter 12: Cat and Dog

[Mish POV]

“ang kapal talaga! Feeling mo naman dahil sinalo niya ko, utang ko na yung buhay ko sakanya? Eh ano naman kung nahulog ako? Bukol lang naman aabutin ko dun ah. Pilay pag minalas-malas, pero wala siyang karapatang sabihan ako ng engot! Ihampas ko sakanya yung class card ko, gusto niya? Kainis!” nang-gigigil na sabi ko habang naglalakad ako pabalik ng classroom.

“oy mish, nasa’n na yung libro para sa assignment natin sa A.P?” salubong sa’kin ni pinky. Napahilamos na lang ako gamit ang palad ko. ay jusme, inis ka nga, nakalimutan mo pa yung sinadya mo sa library. Buhay nga naman, gulay na gulay!

“oh? Ba’t nakasimangot ka d’yan? Feeling mo bumagsak na sa’yo yung langit at lupa ah” sabi pa ni pinky. Umupo muna ko sa upuan ko, at tumabi naman siya sa’kin.

“nakakaasar! Ang panget niya! Mukha siyang unggoy na kabayo!” inis na sabi ko.

“hoy! Anong problema mo? Sinong unggoy na kabayo? Para kang timang d’yan eh, sinong kaaway mo?” tanong ni pinky. Tinignan ko muna siya bago bumuntong hininga.

“yung jhake kasi na yun, akala mo kung sinong matalino. Ihahampas ko talaga sakanya yung class card ko, makikita niya talaga kung sinong engot! Grr!” inis na sagot ko.

“ano bang ginawa sa’yo at super high blood to the highest level ka d’yan?” pang-uusisa pa niya

“kasi di ba may hinahanap akong book para sa A.P subject natin” pag-uumpisa ko.

“Oh? Tapos?” tanong pa ni pinky.

“Eh nalaglag ako sa tinutungtungan ko, kasi nasa mataas na part ng shelf yung librong kailangan ko” sagot ko naman

“Oh? Anong kinalaman ni jhake dun?” naguguluhang tanong niya

“eh kasi, nasalo niya ko” inis na sabi ko. naiinis talaga ko pag naalala kong nasalo niya ko. sana talaga sahig na lang nakasalo sa’kin. Atleast, wala kong utang na loob sa tsonggong yun!

“ANO? Nasalo ka ni Jhake? As in si Jhake Alvarez ng Chikboys? Wow!” parang manghang-mangha pa si pinky. Napatingin ako sakanya na para bang sinasabing… WOW? Anong wow dun?

“Kung ikaw ako. Pwede na kong mamatay sa kilig. Ayeee” sabi ni pinky na para bang bulating nilagyan ng asin. Promise!

“pinky? Seryoso ka?” disgusted na tanong ko sakanya pero hindi man lang siya apektado na dismayado yung tingin ko sakanya.

“grabe kinikilig talaga ko for you bebe mish” sabi pa niya. Mukha talaga siyang bulate, kainis!

“anong nakakakilig dun? Yung tsonggong yun? Psh!” inis na sabi ko.

“tsonggo? Ang gwapo kaya ni Jhake. Tsaka, mish malay mo, siya na ang the one. Yung true destiny mo. Tignan mo nalang, di ba broken hearted ka tapos may isang jhake na sumalo sa puso mo. Nakakakilig di ba” sabi pa niya. Lalo akong napanga-nga. Yung totoo? Nakikinig ba sa’kin si pinky?

“pinky, ako yung nasalo niya. As in ako, hindi yung puso ko. ano bang sinasabi mo?” walang emosyong tanong ko.

“ganun din yun. Malay mo, soulmates kayo. Ayeeeh” panunukso niya habang sinusundot-sundot yung tagiliran ko.

“ay ambot pinky! Babatukan kita ng magtino ka eh” sabi ko sabay pormang babatukan na nga siya pero kagad siyang lumayo at nag-peace sign.

“tsaka ang sama kaya ng ugali nun. Sabihan ba naman akong engot? Eh nasa library kaya kami, tapos tahimik dun. Syempre nung pinagalitan niya ko napatingin sa’min lahat ng tao. Eksena na nga, napahiya pa ko” inis na sabi ko.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon