[Spade's POV]:
naiinis ako sa nakikita ko. sa lahat ng bagay na pwedeng mangyari ang pinaka ayoko ay ang makita ang taong mahal ko na lumuluha dahil sa ibang tao.
nakatago ako sa isang puno malapit sa pwesto ni mish at pinky. umiiyak si mish habang si pinky naman ang nagpapahinahon sakanya. isang malalim na buntong hininga ang kumawala sakin. sabay ng pag pikit ko ang pag tulo ng luha ko.
ayaw ko siyang makitang nasasaktan. dahil pag nasasaktan siya, mas nasasaktan ako.
sa sobrang inis ko nasipa ko ang isang bato at lumikha yun ng ingay para napansin nila ko.
"sino yan?" narinig kong tanong ni pinky. pero kesa sumagot mas pinili kong tumakbo. ayoko pang malaman toh ni mish. hindi pa ko handa, at alam kong hindi pa din siya handa. hindi pa siya handang tumanggap ng bagong pag ibig. dahil alam kong si xander pa din ang mahal niya.
tumakbo ako pero alam kong may nakasunod sakin. lumiko ako papunta sa cafeteria pero inabutan niya ko. may humila sa braso ko at pinihit ako paharap.
"spade?" bigkas ni pinky ng malamang ako lang pala ung tumatakbo
"bakit ka nandun? tsaka... bakit namumula ang mata mo? umiyak ka din ba?" usisa niya
"wala. wala toh" pagsisinungaling ko
binitawan niya ko tsaka muling nagsalita. "alam mo, wag mo ng itago. halata ko naman e. madalas kitang makita na nakatingin kay mish. kahit di ka nagsasalita alam ko gusto mo siya. halata ko yun sa kilos at mga tingin mo. pero bakit pinipili mong maging ganyan?" tanong niya
"anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"bakit hindi mo sabihin kay mish yung totoo? bakit lagi kang nagtatago. bakit ayaw mong ipakita ung nararamdaman mo. kala mo ba may mararating yung kakatingin mo sakanya?" sabi pa niya
"pero hindi pa handa si mish para magmahal" paliwanag ko
"nahanap ka na ng pag ibig. ang kailangan mo lang gawin salubungin ito" sabi niya. mas lalong hindi ko siya naintindihan
"panong nahanap ng pag ibig?" kunot noo kong tanong
"hayyy" buntong hininga niya. tsaka siya umupo sa isa sa mga bench. sinundan ko naman siya at umupo sa tabi niya
"alam mo noon, hindi ko din maintindihan ang love. sabi nila hindi ito hinahanap, hininhintay. sabi naman ng iba minsan kailangan mo din hanapin kasi baka pareho kayong naghihintay. pero sa tingin ko mas tama ung huling sinabi sakin. na ang pag ibig hindi hinahanap. hindi hinihintay. kundi..." tumingin siya sakin tsaka ngumiti at muling nagsalita "Sinasalubong".
tumingin siya sa mga ulap at nakangiting nagsalita. "kung hahanapin mo ang pag ibig maaring mahulog ka sa maling tao. kung hihintayin mo pwedeng mali ang makita mo. pero kung ang pag ibig ay kusa mong mararamdaman ng di mo naman hinahanap o hinihintay ibig sabihin yun na yun. yun na ung pag ibig na tinadhana para sayo. yun na ung pag ibig na kailangan mong salubungin at yakapin ng buo mong puso" tumingin siyang muli sakin ng naka ngiti "at alam ko nahanap na kayo ng pag ibig. kayong dalawa ni mish. kaya mo siyang pasayahin sa simpleng bagay. oo, sa tingin natin hindi pa siya handa dahil nasasaktan pa siya. pero siguro nasasaktan nalang siya sa alaala. matagal umasa at naghintay si mish. hindi naman niya alam na mauuwi sa wala ang paghihintay niya. nasasaktan siya dahil iniisip niya na sana sila ngayong dalawa. kung hindi nangyari ang mga nangyari nung nakaraan na humadlang sa love story nila. pero ikaw spade, dumating ka. simpleng ikaw pa lang napapangiti mo na si mish. baka naman kailangan niyo lang bigyan ng pagkakataon ang mga sarili niyo. baka kayo talaga. kinailangan lang kayong subukin ng panahon. kung hindi nangyari ang mga bagay noon, baka wala ka ngayon sa kwento. kasi matagal ng natapos toh. pero hindi eh, hinintay kang dumating. may mahalaga kang papel sa buhay ni mish. pakinggan mo ang puso mo at yun ang sundin mo"
BINABASA MO ANG
Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)
Fiksi RemajaYou have a million of chances to fall in love. But you will deeply fall in love only to one person and it's your choice to whom it is. Pero hindi lahat ng first love nauuwi sa happy ending. First love means first heartbreak and first time to experie...