Chapter 7

41 0 0
                                    


Blythe:


"Ate Blythe!"


Nagising ako sa malakas na sigaw ni Aya.


"5 more minutes, Aya... 5 more minutes." Nagtalukbong ako ng kumot ko at ipinagatuloy ang pagtulog ko.

"Ate, hindi pwede! Malelate ka na sa Announcement Ceremony!"


Napabangon ako bigla sa narinig ko.


Today's the day.


Ngayon na ipapaalam nila Mama at Papa na nagbalik na ako dito sa Fantasia. Ughh. Bakit ganito kaaga? Inaantok pa ako eh.


"Dali na, Ate!" Ipinagtulakan ako ni Aya papasok sa banyo. Mas excited pa talaga siya kaysa saakin. Sabagay, hindi biro ang maging Prinsesa. Pangarap ata ng bawat babae na maging prinsesa eh...


Nanligo ako ng mabilis. Paglabas ko, hawak hawak ni Aya yung gown na isusuot ko. It's a pure white tube balloon gown. Shems! Isinuot ko ito agad. As usual, inayos ni Aya yung buhok ko at nag-apply ng light make up sa mukha ko.


"A princess must look like one." At inulit niya yung sinabi niya kahapon.


Pagkatapos ng pag-aayos namin, lumabas na kami. In-usher ako ng mga palace maids and guards papunta sa Palace Hall. When I entered the palace hall. Everyone was there. The Elders, Tito Tyrron and Tita Tyrra, Aiden and his Mom, Mama and Papa, ang Bliss.

I didn't expect her to attend the Announcement Ceremony dahil sa nangyari kagabi, pero nandito siya. She wasn't looking at me at mukhang galit siya saakin. What did I do to her? Napansin ko ring parehas kami ng suot na gown and shoes.


"You look beautiful, my Princess." Niyakap ako ni Mama.

"Blythe," inabot ni Papa ang kamay niya saakin. Tinanggap ko iyon at naglakad kami papunta sa Balcony. "Just smile, Princess." I did what he told me.


"Presenting... King Emile Austruther and Queen Blyrra Lumenia together with their daughters Bliss and the long lost Lumen Princess Blythe Lumenia." Anunsyo nung parang spokesperson dito sa tabi namin.


Sabay sabay na yumuko ang mga tao sa labas ng palasyo na nanonood saamin.


"All rise." Tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Itinaas ni Papa ang kamay niya na nagpatahimik sa paligid.


"Maraming salamat sa inyong pagdalo ng munting seremonyang ito." Panimula ni Papa sa kaniyang speech. "Sa inyong harapan ay ang mahigit labing anim na taon na nawawalang prinsesa ng Lumen Kingdom at ng Fantasia. Nagbalik na siya upang pagsilbihan at paghandugan ang ating kaharian. Nagbalik na ang aming panganay na anak na si Blythe."

"Tatlong araw mula ngayon," Mag-aanunsyo din si Mama. "Magaganap ang Kaarawan at koronasyon ng Prinsesa at iniimbitahan namin kayong lahat upang dumalo sa nasabing okasyon."

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon