Chapter 14

33 0 0
                                    


Blythe:


'So much for a first day, huh?'


Narinig ko ang boses ni L sa isip ko. Nilingon ko siya at nakaupo lang siya sa isang high chair habang pinaglalaruan yung bulaklak ng isang halaman.


"Next time you do that again, I'll freeze you to death." Binalik ko ang tingin ko kay Ace na sobrang lamig ng tingin sa tatlong babae. "And just because you're the granddaughter of the head Elder, doesn't give you the right to judge the princess. You're grandfather works for the Lumen Clan so back off."

Nagulat ako sa sinabi ni Ace. Granddaughter ng Head Elder yung isa sakanila?


Naglakad pabalik saamin si Ace. Aksidenteng nadampi ng daliri niya yung isang dahon kaya nag-ice ito. Galit talaga siya.


Pinagpatuloy nalang ni Ma'am Cactae yung lecture niya at pagkatapos ay pinauwi na kami. Tatlong klase lang kami ngayong araw. Kaya nandito na kaming lima sa 'Royal Coach' daw sabi ni Blaze. Hinihintay namin yung iba.


"She's really mean to her. Akala mo naman kung sino porke apo siya ng isang Elder." Narinig ko ang pinag-uusapan nina Bliss, Blast at Snow pagpasok nila dito. About another grandchild of an Elder.

"Buti nalang nandoon yung knight in fiery armor." Sabi ni Snow at tumingin ng mapang-asar kay Blast.


"Oi mga bata!" Napatingin silang tatlo dito sa katabi kong si Blaze habang turo-turo sila. Kung maka-bata naman to parang ang tanda tanda masyadon. "Anong pinag-uusapan niyo?"

"Kuya, binata na si Blast." Biglang binato ni Blast ng bag niya si Snow pero ginamit ni Snow yung ability niya kaya narepel yung bag ni Blast. Nagpalabas siya ng snow sa kamay niya. So that's why Snow ang name niya.

"Ano? Totoy pa yan! siya naging binata?"

"Ganito kasi yan, Kuya."

"Ugh!" Mukhang naiinis na si Blast kaya nagpalabas siya ng apoy sa kamay niya. Nagbato siya ng mga fireballs kay Bliss pero nagpalabas ng hangin si Bliss sa kamay niya kaya parang nahipan yung mga fireballs.


Natatawa naman si Bliss at nagsimulang magkwento habang nagpapalitan sila ng atake. Mukha lang silang naglalaro. "Binubully kasi nila Almira si Alyanna― Aray!!" Napaupo si Bliss noong naghagis nanaman ng fireballs si Blast. Natamaan yung salamin sa harap pero namangha ako noong nagregenerate nalang bigla. Wow! That was amazing! Kaya pala nakakapag-palitan pa sila ng atake dito.

"Tinulak nila si Alyanna pero buti nalang― Hey!!" Pinagpatuloy ni Snow yung kwento pero muntik na siyang tamaan ng fireball sa mukha kaya napatigil siya.

"Buti nalang nasalo ni Blast. Kaya siya ang Knight―"

"In fiery―"

"Stop!" Siagw ni Blast at sabay niyang pinaulanan ng fireballs yung dalawang babae. Pero naiwasan yun nila Snow at Bliss. Nagkatinginan pa sila tapos nag-grin.

"ARMOR!" Sabay pa silang sumigaw. Dahil wala nang nagawa si Blast, naupo nalang siya with cross arms.

Tawa ng tawa tong katabi ko at nakahawak pa sa tiyan niya. "Hayy!" Nagpunas si Blaze ng luha sa mata niya. Sa sobrang pagtawa niya naiiyak na siya. "Binata na nga talaga ang baby brother ko."

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon