Chapter 19

22 0 0
                                    



Aiden:


"Ate, what do you mean? Sinong babae sa painting?" Tanong ni Bliss sa Ate niya na nakatulala. And wait, what is that she's carrying? Is that what I think it is? A Nekleon?


Nekleons are cat-like creatures that are said to be extinct already. They're creatures that are white in color but turns red when something bad is going to happen. Malakas ang danger instinct nila kaya madali nilang mawawarn ang amo nila. Amo? Sa pagkakaalam ko, ang huling Fantasian na may alagang Nekleon ay ang...


Hinanap ko iyong painting na sinasabi ni Blythe. At nandoon siya sa gitna ng pader sa likod. Katabi non ay ang painting ng Lolo nila Blythe at Bliss. "Ang babae sa painting."

"Huh?" Nilingon ako ng mga kasama ko. Blythe's back to her senses now. Naglakad ako palapit sa painting at sumunod naman sila.

"Ang babae sa painting." Tinuro ko ang painting. Nakuha ata ni Aeron ang point ko kaya nag-snap siya ng daliri niya.

"Ang founder ng Lumen Clan, the first Queen of Fantasia, the most powerful woman in history," tumingon si Aeron sa buhat buhat ni Blythe na Nekleon. "...the owner of that Nekleon. Queen Lux Lumenia."



"Nandito lang pala kayong lahat." Napatingin kaming lahat sa pintuan at nandoon si Blaze habang naka-cross arms. "Tara, pinapatawag tayong mga First Princes and Princesses ng Hari at Reyna. Kasama ka na din Griswold." Griswold, griswold. Ano bang trip nila at Griswold ang tawag nila saakin? I have a name, it's Aiden: AY-DEN.


Hindi na kami nagdalawang isip na iwan ang silid na yon. Hari at Reyna ang nagtatawag saaming anim, na minsan lang mangyari sa isang linggo o buwan. Ibig sabihin may importante siyang sasabihin. Nadaanan pa namin ang kwarto ni Blythe kaya nagdesisyon siyang iwan muna doon ang natutulog na Nekleon.

Nakarating kami sa Palace Hall at nandoon ang Hari at Reyna, nakaupo sa kanilang mga royal thrones. Mukhang hinintay nila kami. Lahat kami nanatiling nakatayo habang nakatingin silang dalawa saamin, mukhang tinitignan nila kung kumpleto kami.


"Nasaan ang Princess Ace?" Tanong ng Hari. Lumingon lingon kami upang hanapin si Ace. Oo nga, wala siya. Ngayon ko lang napansin.

"Inutusan po siya ni King Rouel sa isang misyon, Mahal na Hari." Sagot ni Aeron.


Tumango-tango ang Hari. Magsasalita na sana ang Reyna nang biglang bumukas ang pintuan ng Palace Hall. The door was huge kaya malakas ang tunog na nagawa niya. Lahat kami napatingin doon at nakita ang Ice Princess na naka-armor pa. And damn, that blue armor is just cool. Portions of it is made of Ice.


Naglakad siya papunta sa harap ng Hari at Reyna at nagbigay galang. "Pasensya na po, Mahal na Hari at Reyna. Galing po ako sa isang misyon." Sabi ni Ice Princess habang nakayuko.

"Naiintindihan namin, Princess Ace." Wika ng Reyna. Umayos ng tayo si Ace at nakisama saamin.


Tatabi sana siya kay Blythe, pero dahil katabi ni Blythe si Blaze, nagbago ang isip niya at nagpunta sa tabi ni Aeron. Pinigilan kong matawa dahil sa reaction nilang dalawa. Hindi talaga magkakasundo ang Apoy at Yelo.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon