Chapter 12

42 0 0
                                    


Blythe:


"Ate! Akala ko may nangyari nang masama sayo!"


Is this real? Is this really real? Bliss just hugged me tight and she sounds worried about me. Naghahallucinate nanaman ba ako? Pero bakit nararamdaman ko talaga siya?


Humiwalay si Bliss saakin per hawak parin niya ang magkabilaan kong balikat.


"Ate, okay ka lang?" Her eyes showed concern towards me. Napangiti ako bigla dahil totoo ang mga pangyayari. Niyakap ako ng kapatid ko. Nag-aalala siya saakin.

"I'm okay, Bliss. You don't have to worry."

"Akala ko kung ano nang nangyari sayo, Ate! Next time call me earlier nagkasugat ka pa tuloy." Parang mas ate pa siya saaming dalawa. Dapat naguiguilty ako kasi pinapagalitan niya ako pero natutuwa talaga ako sa sudden transformation ng kapatid ko.


Teka, sugat?


Tumayo ako at ini-scan ko yung katawan ko. Oo nga, may sugat ako sa paa. Pero saan ko nakuha yan? Hindi naman ako natamaan ng kahit anong nanggaling kina Aiden at L.


Halos mapasigaw ako nung nakita ko yung mata ni Bliss na naging purong puti habang hawak hawak niya yung dalawa kong kamay. Pagkatapos non ay bumalik sa dati yung kulay ng mata niya. That was hella creepy!

"Muntik ka nang tamaan pero buti at nacontrol ni Kuya Aiden kaya sa tabi ng mukha mo tumama yung kuryente. Ganon din kay L. Kung hindi nila nacontrol ang mga sarili nila, ikaw sana ang natamaan. Pero hindi masyadong nacontrol ni L ang kapangyarihan niya kaya may mga lumipad na black flames papunta sayo. Nasira ang pader at may tumalsik na semento sa paa mo pero hindi mo naramdaman dahil nagpapanic ka." Pagkatapos niyang sabihin yon ay ngumiti siya saakin.

How did she do that?


Lumingon ako para makita yung pader at totoo nga, nasira nga siya. Pero bakit hindi ko naramdaman yung pagkasugat ko? Wait, that doesn't matter. What matters is, how did Bliss do that thing she just did?

Naguguluhan ako. Isang linggo na ako dito sa Fantasia pero parang wala pa sa 1/4 yung nalalaman ko.

"Bliss can see the past, princess. Maski ako nagulat rin noong nalaman ko yon. She also did that thing infront of me." Sabi ni Kuya Aeron. "Sa lahat ng Lumenia, dadalawa palang ang may kakayahang parang sakaniya." Dalawa? So, Rare pala ang ability na yon. "The first Lumenia and your..."


"Lolo."


Napatingin ako kay Bliss dahil bigla siyang yumuko. Nagulat rin yung iba at yumuko din. May isang presensya sa likod ko at nararamdaman ko kung gaano siya kalakas. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking matanda na nasa late 50's na, I think. He's wearing a white robe at may hawak siyang scepter with a white orb on top. Ang seryoso ng mukha niya at ang alam ko lang, nakakatakot siya.

Pero nang magtama ang tingin namin, nag-iba ang expression niya. Para bang nanlambot siya at feeling ko maiiyak siya.


Umayos sila ng tayo. Lumapit saakin yung matanda at dinampi ang palad niya sa pisngi ko. Katulad ng nangyari kay Bliss kanina, naging purong puti rin ang mata niya. He's looking throught my past.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon