Chapter 28

8 0 0
                                    


"Blythe,"


I can smell the alcohol. Uminom ba siya? Is he even allowed to drink? Nakahawak siya sa isang braso ko at doon ko lang napansin na may hawak siyang wine glass sa isa niyang kamay.


"Aiden, you're drunk." Pagsuway ko sakaniya at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.


"Drunk?" He laughed sarcastically. "I'm not drunk. Who's drunk?" Hindi pa siya makatayo ng maayos at parang matutumba siya any minute. Uminom siya sa wine glass niya at tumingin kay L. "Why are you here?" Dinuro duro niya si L na ikinainis ko naman.


"Aiden, stop," I said through gritted teeth. I tried my best to stay calm dahil maraming tao ang nakakakita saamin.


"Huh? Bakit ka nandito?" Tinulak tulak ng mahina ni Aiden si L. Nakita ko naman ang inis sa mukha ni L pero wala siyan ginagawa at sinasabi para tumigil si Aiden. "Ano? Hindi ka magsasalita, ha?"


"Aiden, ano ba?" Medyo napataas ang tono ng boses ko kaya tumigil si Aiden.


"Pinagtatanggol mo yan?" Dinuro nanaman niya si L. "Ano mo ba yan, ha? Are you in a relationship with him? Are you in love with him?"


"Aiden, tumigil ka na. You're ruining the night."


Magsasalita pa sana si Aiden pero buti nalang dumating na si Lord Tyrron.


"Princess, ginugulo ka nanaman ba ng kumag na to?" Nakangiting tanong ni Lord Tyrron habang nakatakip ang kamay niya sa bibig ni Aiden. Sinusubukan niya naman itong tanggalin pero masyadong malakas si Lord Tyrron para sakaniya.


"Lasing na lasing na po siya, Tito." Pagsusumbong ko. "Baka kung sino pang maabala niya."


"Oh, Lord Tyrron, Princess Blythe, anong nangyayari dito?" Dumating si Tita Lucrecia at napatingin kay Aiden. "Aiden," seryosong tawag niya sakaniya. Agad namang tumigil si Aiden at hindi na gumalaw. Takot siya sa mama niya eh.


Iniwan na namin sila doon at kumuha ng pagkain. Puro naman sweets ang kinuha ko. I have mixed berries with chocolate dip, red velvet cake, and a strawberry crepe, plus a strawberry shake na pinahawak ko kay L dahil hindi ko na kayang hawakan.


Tinatawanan niya lang naman ako hanggang makarating kami sa garden. Inaya ko siyang doon nalang kumain dahil naalala ko yung sabi niyang hind siya fan ng social gatherings kaya magiging uncomfortable lang siya.


"Hmm. This is so good." Sabi ko at kumagat pa ulit sa strawberry na sinawsaw ko sa chocolate. Kumuha pa ako ng isang strawberry at sinawsaw ule. "Try this." Nilapit ko kay L ang strawberry.


"Oh, no. I don't-" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil sinubo ko na agad sakaniya. Nagthumbs up naman siya habang nginunguya iyon. "So, you like strawberries."

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon