Chapter 38

3 0 0
                                    



Nagising akong walang maalala at sobrang sakit ng ulo ko. Ang tanging natatandaan ko lang ay nasa gubat kami ni Lux at inaatake kami ng mga itim na nilalang.


Ang sabi nila may nangyaring kakaiba saakin kaya nawalan ako ng malay. Wala akong sugat o ano. Maliban sa sakit ng ulo ko ngayon, wala na akong ibang sakit na nararamdaman.


Peor bakit ganon? Parang nasa ibang katauhan ako? Pakiramdam ko wala ako sa sarili kong katawan at parang ibang tao ako.


Sinubukang kong tumayo kahit nahihilo ako. Kaylangan kong puntahan si Lux. Kaylangan kong malaman kung okay lang ba siya, kung may masama bang nangyari sakaniya.


"Kieran." Gulat na bungad ng isang manggagamot pagkapasok niya sa kwarto ko. "Kieran, kaylangang mo pang magpahinga. Hindi ka pa pwedeng umalis." Sinubukan niya akong pigilan ngunit pinilit ko paring umalis.


"Kaylangan kong puntahan si Lux." Pagmamatigas ko. Ngunit patuloy parin sa pagpigil ang manggagamot saakin. "Kaylangan kong makita si Lux. Bitawan mo ako!"


"Kieran, hindi pa maayos ang pakiramdam ko. Kaylangan mo pang magpahinga."


Hindi ko alam kung anong nangyayari saakin pero parang nakakaramdam ako ng kakaiba. "Ang sabi ko kaylangan kong makita si Lux!" Bulyaw ko at bigla ko nalang tinamaan ng itim na apoy ang manggagamot.


Naging abo ito na siyang ikinagulat ko naman. Mayroong itim na apoy sa mga palad ko at iwinagwag ko ito upang mawala. Hindi na ako nag-isip pa ng kung ano at nagmadali na akong umalis sa lugar na iyon bago pa malaman ng iba ang nangyari.


Sinubukan kong puntahan si Lux sakanilang tirahan ngunit may mga nakabantay doon at ayaw akong papasukin okaya palapitin sakanila.


Ilang araw, linggo, hanggang sa naging buwan ang nakalipas, hindi ko parin nakikita si Lux. Base sa mga naririnig kong usap-usapan, nagsasanay si Lux dahil sa binigay na kapangyarihan ng liwanag sakaniya.


Gusto kong magtanim ng sama ng loob dahil hindi ko alam kung bakit hindi niya ito sinabi saakin. Bakit hindi niya sinubukang ipaintindi ang kalagayan niya saakin?


Lalo na akong nahirapang lumapit sakaniya nang dumating ang panahong kinoronahan siya bilang unang reyna ng Fantasia. Nakatingin lang ako mula sa malayo habang ang iba ay masayang masaya para sakaniya.


Ilang beses akong nagtangkang puntahan siya ngunit napakailap talaga ng tadhana. Hanggang sa isang araw, nakita ko si Lux na naglalakad mag-isa sa hardin ng kaniyang palasyo. Gustong-gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang yakapin, ngunit nangibabaw ang takot ko na baka hindi siya maging masaya na makita ako.


Aalis na sana ako nang makitang naglalakad siya papalapit saakin at muling tinawag ang pangalan ko.


"Kieran." Masaya niyang bati saakin kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon