Chapter 24

13 0 0
                                    


"It's okay. Just let it all out. I'm here." I comforted Ace. Umiiyak parin siya at nakayakap parin saakin. I suddenly missed my Ate. Kapag brokenheated siya or may problema siya, ako lagi niyang nilalapitan and she would cry her heart out habang kinocomfort ko siya.

I couldn't help but tear up. Narinig ata ni Ace na napahikbi ata ako kaya humiwalay siya at tinitigan ako. "I'm sorry," Huh? Why is she apologizing? Nagpunas ako ng luha habang tinitignan siya ng nagtataka. "I didn't mean to make you cry."

"Oh," I chuckled. Kaya pala siya nagsosorry. "Naalala ko lang ate ko kaya ako naiyak. It's because you remind me of her and I miss her so much." I gave her a reassuring smile. "I'm okay, Ace, but enough of me. I came here for you."

Nahiga siya sa bed niya at nagtakip ng mata. "I... I don't know, Princess. Everything's too... confusing." Sabi niya habang humihikbi.

Naupo naman ako sa tabi niya and held her free hand. "I may not understand how you feel, but I'll always be here for you, Ace. You're like my big sister here in Fantasia, because I already have one in the other world and she's normal. No ice powers or something unlike you. I mean, you're really cool. You're both cool, but your just a point above her because of you powers."

Tumigil ako nang marealize kong ang dami ko na palang sinasabing out of context. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Ace habang nakatingin saakin. Well, that did the trick. Atleast I made her smile.

Umayos siya ng upo at nagpunas ng luha. "Thank you, Princess." Nagulat kaming dalawa nang biglang may malalakas na katok mula sa pinto ng kwarto ni Ace.


"Princess? Princess Blythe?"

"Blythe? Okay ka lang ba?"

"Princess!"

"Princess Blythe! May nangyari ba sayo?"


Nagkatinginan kami ni Ace at parehas kaming nakapoker face. Alam na agad namin kung sino sila at kung bakit ganon nalang sila makapanic. Sabay naman kaming natawa at tumayo para pagbuksan sila ng pinto.


Pagbukas namin ng pinto, bumungad ang apat na tukmol na akala mo may nangyaring napakasama saakin. They were checking everywhere and all over my body. "Did you guys know I can consider this as sexual assault and you'll have to answer to the High King and High Queen for this?" Agad na lumayo saakin sina Aiden, Trunk, at Blaze samantalang si Kuya Aeron, patuloy parin sa pagcheck ng katawan ko kung may nangyari ba saakin. "That also goes to you, Kuya Aeron."

He froze in his stance at dahan dahang umatras papalayo saakin. "Akala namin may nangyari sayo because it suddenly started drizzling kahit na napakaganda ng panahon kanina." depensa ni Kuya Aeron.

"Aiden started to panic so we followed along." Dagdag pa ni Trunk. Napansin ko naman ang pag-irap ni Aiden sakaniya.

"Sobrang nag-alala lang kami, Princess." pati si Blaze dumagdag rin.

Tumingin ako kay Aiden waiting for him to say something pero umiwas lang siya. Okay, now I'm pissed. "I'm sorry to you three if I made you worry, but I'm okay. I was just comforting Ace," Napansin ko ang pagtitig ni Blaze kay Ace at parang yung pag-aalala niya saakin nalipat sakaniya. Hindi ko nalang yun pinansin because I have Aiden to deal with first. "Then bigla kong naalala ate ko in the other world that's why I cried a little bit."

Kuya Aeron and Trunk let out a sigh of relief, Blaze was still staring at Ace, and Aiden was still looking elsewhere.

"That's good to hear." Sambit ni Kuya Aeron tapos biglang binatukan si Aiden. I want to laugh so bad pero pinigilan ko sarili ko. "Ikaw Griswold, huwag mo kaming pinag-aalala ng ganon ganon."

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon