Chapter 26

6 0 0
                                    

"Just try to defend yourself and then I'll be on the offense, okay?" L adviced. Today is our match against Aiden and Aileen.

Sa totoo lang, kahit practice match lang to, kinakabahan ako lalo na't galit si Aiden. He can go all out if he wants to. Kahit ako pa ang kalaban niya.

Nakaposition na kami, it's me against Aiden and L against Aileen. Hindi gamit ni Aiden ang wand niya dahil sabi ni Miss Alura, okay na raw yun since ako naman ang katapat niya. Dahil baguhan palang ako sa mga ganito at hindi ko pa masyadong gamay ang kapangyarihan ko, it's only fair na yung bodily abilities niya ang gamitin niya.

Kapag ginamit niya pa ang wand niya, magiging overpowered na siya para saakin with all his abilities and experience.

The match already started pero walang umaatake saaming apat. Nagtitinginan lang kami, naghihintayan, nagpapakiramdaman.

Nagkatinginan kami ni L at tumango siya, hudyat para kami ang unang umatake.

Ginamit ni L ang wand niya para magpalabas ng itim na kidlat. Nakaiwas naman silang dalawa doon at sa pader lang ito tumama. Sumunod namang umatake si Aiden at nagkaroon nanaman ng kuryente sa mga kamay niya at pinaikot ikot niya pa ito kaya naging pabilog.

Inihagis niya iyon at L pero bago pa makarating yon sakaniya ay nagpunta ako sa harap ni L para harangan ang atake ni Aiden. Nagpalabas ako ng white flames sa palad ko at nang umabot ang kuryente doon ay naglaho nalang bigla.

Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Aiden at halata ang galit niya. Pati si Aileen ay nainis kaya itinaas niya ang wand niya at nagcast ng spell.

"Princess, watch out." Sambit ni L at hinila ako sakaniya. Magkadikit ngayon ang likod ko at ang dibdib niya at pakiramdam ko nag init ang buong mukha ko.

Pagtingin ko sa pwesto ko kanina, naging parang quicksand ito. Kung hindi ako nahila ni L agad, baka lumubog na ako doon.

Naghiwalay nalang kami ni L nang umatake ulit si Aiden ng kuryente niya. Katulad kanina ay nagpalabas ulit ako ng white flames at naglaho nanaman ang kuryenteng papunta saamin. Napangiti ako ng malawak dahil doon. He can't use other attacks dahil wala ang wand niya at hindi siya makaatake dahil saakin.

"Tenebris!" Sigaw ni L habang nakataas ang wand niya. Bigla namang nagdilim ang paligid. Halos wala na akong makita. 'Princess, use your ability to see through the darkness but don't let them see you.' Narinig kong sabi ni L gamit ang isip niya.

Nagpanic naman ako dahil hindi ko alam kung paano gawin niyo. Napapikit ako at nag-isip kung anong gagawin.

Please, please. I need your help.

I prayed. Hindi ko alam kung kanino na ako nagdadasal as long as matulungan nila ako. Then an image flashed. It was Queen Lux. Nakapikit siya pero nang magmulat siya ng mata, para bang umiilaw ito at sobrang puti. Lumapit siya saakin tapos hinawakan ako sa pisngi at parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko.

I opened my eyes at malinaw na malinaw kong nakikita ang paligid ko. Nawala na ba ang spell ni L habang nag-iisip ako?

"Shit." Rinig kong pagmumura ni Aiden at parang nangangapa. That only means, madilim parin. But I can see everything clearly. How is this possible? Did I just acquire a new ability?

Nakita ko si L na dahan-dahang naglalakad palapit kay Aileen. Napansin niya ata akong nakatingin at nilagay ang daliri sa bibig trying to shush me. Nakikita niya rin ba ako? Tinuro niya si Aiden na parang sinasabing ako nang bahala sakaniya. Tinanguan ko lang siya at lumapit kay Aiden.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon