Chapter 16

33 0 0
                                    


Aiden:


"Aiden, may gusto ka ba sa Prinsesa?"


Natawa ako sa tinanong niya. "Ano ba namang tanong yan, Elle. Syempre―!!" Napatigil ako nang biglang may pumatak sa noo ko. Umaambon? 

"Huh? Umaambon? Pero may araw naman." Napatingin ako kay Elle. Then it hit me.

"Blythe..."


Tumakbo ako at hinanap si Blythe. Something's happening to her. But what is it? And all of a sudden? Ang saya saya niya lang kanina ah?


Tumakbo ako nang tumakbo at napatigil ako nang makita si Blythe. But... She's laughing... With L...


I don't understand. I had a feeling something was happening to her. Hindi ko naman inexpect na ganito ang makikita ko. Then anong ibig sabihin ng pag-ambon habang umaaraw?


Habang tumatawa sila, nakita kong nagpunas siya ng mata. 


"Tears of joy," Muntik na akong mapatalon nang biglang magsalita si Ace sa tabi ko. How the heck did she get here? "The most powerful tear. I read that in a book once. But I forgot the whole thing." Tumingin siya saakin with her cold eyes. Brr.. "Akala ko din may nangyari. But I noticed the rainbow. That's when I knew she's okay."

"Rainbow? What rain―" Tumingala ako sa kalangitan. "Oh. That rainbow." Di ko agad napansin kanina yan ah.


"Hey, iniwan mo nalang―" Napatigil sa pagsasalita si Elle at napatingin kay Ace. Yumuko siya bilang paggalang. "Ice Princess.."

"Hello, Elle." Walang emosyong bati ni Ace. Bumati pa eh. Umayos ng tayo si Elle at napatingin saakin. Tumingin naman ulit si Ace kay Blythe. 

Hinarap ko si Ace. "Ano ba kasing dahilan niyo kung bakit kayo nandito?"

"She already told you, right?" Ang sungit sungit talaga nito. Kaya walang nagkakagusto sakaniya eh. Kahit sobrang ganda, talented at talino niya, ang taray taray at ang lamig ng pakikitungo sa ibang tao. "She's here to watch."

Tinignan ko ulit si Blythe at L na muling nagtatawanan nanaman. 


"S..si L ba yon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Elle. Nagulat ata kasi ngayong lang nakita si L na tumatawa. Such a big deal. 

"I'm really wondering how the Princess could make him laugh like that." I agree with Ace. Isang malaking misteryo iyon para saaming nakakakilala kay L. He's typically quiet and no one would dare befriend him. Hindi rin mahilig tumawa yan o kahit ngumiti lang. Kaya nakakapagtaka talaga. 


Habang pinapanood namin sila, narinig namin ang tunog ng kampana. 


"It's training time." Sambit ko.


Nagpunta kaming lahat papuntang arena. Exclusive ang oras na ito para sa mga mag-eevaluation test. Tsaka para preliminary tes na rin. 


"Aiden! Good luck!" Pinalo ako ng malakas ni Blythe sa likod. Muntik ko nang ilabas yung puso ko! Maggu-good luck na nga mananakit pa. Sadistang prinsesa. Nag-skip skip siya paalis.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon