Chapter 37

2 0 0
                                    



"Kieran, saan tayo pupunta?" Nakangiting tanong ko sa lalaking kasama ko habang nakatakip ang kaniyang dalawang kamay sa mga mata ko. Sabi niya ay isang sikreto ang pagdadalhan niya saakin at matutuwa ako kapag nakita ko ang surpresa niya.


"Malapit na tayo, Lux, konting lakad pa."


Habang naglalakad, nakaramdam ako ng parang mga damo na sumasagi sa paa ko. Para kaming nasa isang madamong lugar at naaamoy ko ang mga halaman at puno.


Tumigil kami sa paglalakad. Mukhang dito na nga ang sinasabi niyang surpresa. Dahan-dahang tinanggal ni Kieran ang kaniyang mga kamay sa aking mata at tumambad ang napakagandang tanawin ng gubat.


"Kieran, napakaganda dito." Namamangha kong sabi habang nililibot ang paningin.


Napakaaliwalas ng paligid, ang sarap ng simoy ng hangin, ang gaganda ng mga bulaklak at ng mga puno. Wala akong ibang masabi. Parang kumikinang ang buong gubat. Napakaraming gubat dito sa Fantasia ngunit ito ang pinakamaganda sa lahat ng nakita at napuntahan ko.


"Nagustuhan mo ba, Lux?"


Hinarap ko si Kieran at niyakap ng mahigpit. "Gustong-gusto." Humiwalay ako sa yakap habang nakangiti parin ng malaki sakaniya. "Salamat."


Nanatili kami sa gubat na iyon at namasyal lang habang pinagmamasdan ang kagandahan ng gubat. Nang dumilim na, nagpaalam na kami sa isa't isa.


"Lux, saan ka galing?" Galit na salubong saakin ng aking Ama.


"Ama, namasyal lamang po kami ni Kieran."


"Hindi ba't sabi ko tigilan mo na ang pakikipagkita sa lalaking iyon? Hindi ito makakabuti sa'yo!"


Para bang nakaramdam ako ng matinding galit sa aking dibdib. "Ama, wala naman po kaming ginagawang masama at napakabuting tao ni Kieran." Pagdepensa ko.


Napabuntong hininga ang akin ama at dumating naman si Ina. "Anong nangyayari? Nagtatalo nanaman ba kayong dalawa?"


Hindi siya pinansin ni Ama, bagkus pinagpatuloy parin ang pagpapangaral saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang nagkikita kami ni Kieran. Wala namang ginagawang masama sakaniya si Kieran pero parang napakalaki ng galit ng Ama sakaniya.


Nilapitan ako ni Ama at tinitigan ako sa mata. "Lux, ikaw ang napili ng liwanag upang mamamuno sa Fantasia. Hindi mo ito pwedeng balewalain dahil lamang sa isang ordinaryong tao!"


"Ama, mahal ko po si Kieran." Halos nagulat rin ako dahil sa sinabi ko. Hindi ko inaasahang masasabi ko yan sa harap niya.


Ang liwanag..


Ito ang nagbigay ng kapangyarihan saakin. Wala pang ibang nakakaalam kundi ang mga magulang ko lamang at ang propeta ng liwanag. Sabi nila wala pang nangyayaring katulad ng nangyari saakin kaya ako ang inaasahan nila upang magligtas at mamuno sa Fantasia.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon