Chapter 1

67 0 0
                                    

Chapter 1

Blythe:

Yehey! Isang buwan nalang birthday ko na! Isang buwan nalang 16 na ako! Ang saya-saya naman! Magiging sweet sixteen na ako! Ano kayang regalo nila mama? Hahaha! Hindi na yon mahalaga. Basta andon sila at kompleto kami, okay na. 


"Good morning, Blythe!" bati saakin ng mga tao na nadadaanan ko. Hindi ko naman maiwasang bumati din dahil ang ganda ng araw. Laging maganda ang araw ko kaya isheshare ko sa iba. Hehe!

Nakarating ako sa room naming maingay at magulo. Lagi namang ganito eh.

"Naku! Andyan na si Blythe. Umayos na kayo, baka pagalitan nanaman tayo niyan!" hindi ko alam kung bakit takot na takot sila saakin. Hindi ko naman sila kakainin.

"Oo nga. Naalala niyo naman yung nangyari last time."

Hindi ko naman ginawa yung nangyari noon eh. Nagkataon lang na nagkaroon ng sira sa mga ilaw at medyo lumindol ng konti. Napaka-imposible naman na dahil saakin yon. Hahaha! Mga baliw talaga ang mga kaklase ko.

"Good morning, classmates! Kamusta ang weekends niyo? Ang ganda ng araw noh? Kasing ganda niyo." tinuro ko ang grupo ng mga babae kong kaklase na nagkukumpulan malapit sa bintana atsaka ngumiti.

"Maganda ka rin naman, Blythe." ganti ni Carmella, isa sa mga close friends ko.

Nakangiti akong umupo sa upuan ko. Sa pagkakatanda ko, nagawa ko lahat ng assignments ko kagabi at nakapagreview din ako para sa long quiz namin mamaya sa Economics. Mahina ako doon kaya kaylangan nag-aaral akong mabuti doon.


Tumingin ako sa katabi kong natutulog nanaman.

Pinoke ko yung ulo niya ng index finger ko. Unti-unting umangat ang ulo niya at tumingin siya saakin. Malapad ang ngiti ko sakaniya.

"Good morning, Aiden!" masaya kong bati pero tinitigan niya lang ako.

"Ayan nanaman siya." nagsimula nanaman ang mga bulungan sa paligid namin.

"Oo nga. Hindi ba niya kayang ngumiti?"

"Kawawa naman si Blythe."

Medyo napasimangot ako sa mga narinig ko pero hinayaan ko nalang. Kaya ngumiti ulit ako atsaka tumingin sa naghihikab na si Aiden.

"Kamusta ang tulog mo?" humagikhik ako.

"Okay lang." sagot niya atsaka inilabas yung sketch pad niya. Mag-dradrawing nanaman siya. Mahilig siyang magdrawing at ang galing niya. Nakita ko yung iba niyang drawing sa bahay nila at sobrang gaganda. Parang drawing ng isang skilled artist. Pero kung sabagay, skilled artist naman si Aiden dahil sa mga contest niya.

"Nakareview ka na ba para sa long quiz mamaya?" para akong reminder ni Aiden. Ako ang tagapaalala at tagapayo niya. Hihi.

"Oo." simple niyang sagot.

"Ah. Buti naman. Akala ko kasi tumambay ka nanaman sa basement niyo buong gabi doing some unknown stuffs eh." tumawa nanaman ako.

Narinig ko nanaman ang paghikab niya.

"Napuyat ka ba? Hikab ka ng hikab ah?" tanong ko sakaniya.

"Okay lang ako." ang tangi niyang sagot.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon