Chapter 2 & 3

90 0 0
                                    

Aiden:

"Aiden, tara don oh! Dali!" Hinila ako ni Blythe papuntang carousel. Hayy. Today's sunday and for Blythe, today's gala day. Kasama dapat namin si Kate pero may lakad daw sila ng family niya kaya dadalawa lang kami.

Sumakay sa carousel si Blythe at naiwan ako dito sa baba. Sa tabi ng mga magulang na hinihintay at pinipicturan ang mga anak nila. Masyado silang masaya.

"Aiden, halika na!" Tinatawag ako ni Blythe pero tumanggi ako. I really don't want to.

"Ikaw nalang," yan lang nasabi ko, but Blythe will be Blythe.

Bumaba siya sa kabayo at, "Kuya! Wait lang! Please!" Nagpuppy eyes pa siya sa harap ng operator. Walang nagawa yung lalaki sa kakyutan ni Blythe. Nagpunta saakin si Blythe at hinila ako.

Anong gagawin ko?! Ayoko talaga! Pero baka may mangyaring masama pag tumanggi ako. "Blythe," I called for her.

She turned her head to me. Ang saya ng mukha niya. Ang lawak ng ngiti niya. Nakangiti pati mata niya. How can I turn her down when she looks so happy.

So, now I'm sitting in one of the horses. And it's pink. I hate pink. =___=

"Let's go, kuya!"

Nabigla ako sa pag andar ng carousel, kamuntikan na akong mahulog sa kabayo. At lintek, tawa ng tawa si Blythe. Pero hindi ko maiwasang mapangiti kasi ang saya saya niya.

She's taking pictures of us. Lahat ng pupuntahan namin, may picture kami. Sabi niya "We should treasure each moment."


Nagdinner sa bahay si Blythe at nagkwentuhan sila ng nagkwentuhan ni Mama.

Isang linggo nalang, birthday na niya. Palapit na nang palapit ang oras. Kaya kaylangan ko nang magsanay.

Pagkahatid ko kay Blythe, nagdiretso ako sa basement. Dito ako laging nagsasanay. Gabi gabi, araw araw. Halos wala na akong pahinga. Pero para kay Blythe ang ginagawa ko. At para sa kaharian ng Fantasia.


Dalawang araw nalang bago ang kaarawan ni Blythe. Nandito kami ngayon sa isang lagusan malapit sa gubat. Kasama ko si Mama at ang kapatid ko. Oo, may kapatid ako. Nakababatang kapatid, nakatira siya sa Fantasia. Kaylangan may maiwang isa sa Fantasia para alam namin kung anong nangyayari roon.


"Mama, Kuya!" niyakap niya kaming dalawa sa tuwa. Minsan minsan lang kasi kami magkita. Mahirap na din, baka mahuli kami ng mga tao.

"Aya, anak, kamusta ka na?" miss na miss nga naman siya ni Mama oh. Mama's girl kasi siya. Pero mas malapit siya kay Papa.

"Okay lang po, Mama." naghiwalay silang dalawa at kung makatingin si Mama kay Aya akala mo sampung taon silang hindi nagkita.

"Kamusta na ang Fantasia? May mga nangyayari na bang kakaiba?" agad kong tanong. Malapit na ang kaarawan ni Blythe kaya posibleng nagsisimula na ang mga kakaibang pangyayari sa Fantasia.

"Wala pa naman, Kuya. Yun nga din pinagtataka ko eh. Dalawang araw nalang bago ang kaarawan ng Prinsesa, dapat may mga kakaibang pangyayari na. Naisip ko din, baka naghahanda sila para sa kaarawan mismo ng Prinsesa sila umatake at mas malakas na sila."

Tama si Aya. Baka nga nagpapalakas sila kaya ganon.


"Kung ganon, kaylangan niyo ding magpalakas. Nasaan ang kambal?" tanong ni Mama. May lumabas namang isang babae at lalaki sa lagusan. Mas matanda sila saamin ng labing anim na taon.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon