Chapter 4

42 0 0
                                    


Aiden:

"Sigurado po ba kayo sa gagawin niyo?"

"Huwag kang mag-alala, Aiden. Gagawin ko ang lahat para kay Blythe."

Pumasok si Tita sa loob ng kwarto ni Blythe para kausapain siya. Habang ako pumunta muna sa sala kung saan nandon sila Lord Tyrron at Lady Tyrra. Nasa bahay ngayon sila Mama nag-aayos ng gamit na dadalhin sa Fantasia. Malakas daw kasi ang loob ni Mama na matutuloy na ang pag-uwi namin sa Fantasia.

"Kumain muna kayo habang hinihintay sila." Tinawag kami ng Ate ni Blythe sa kusina upang mag gabihan. Kung sasama man si Blythe saamin, aalis kami ng madaling araw.

Pagkatapos naming kumain, bumalik kami sa kusina.

Sana pumayag na si Blythe. Nag-aalala ako para sakaniya. Kung hindi siya sasama, hindi mapapadali ang ensayo niya. Masyadong malakas ang kakayahan niya. At baka hindi lang iyon ang kaya niyang gawin. Siya ang prinsesa na anak ng dalawang makapangyarihang casters, marami pa siyang pwedeng madiskubreng kakayahan.

"Aiden, kapag sumama si Blythe sainyo, bibisita naman kayo dito diba?" Kitang kita ko kung paano mag-alala ang Ate ni Blythe para sakaniya. Kahit natatakot sila at ayaw nilang kunin namin si Blythe, pumayag parin sila.

Tumango ako ng nakangiti. "Huwag kang mag-alala, Ate, babalik kami dito."

"Natatakot lang ako na baka makalimutan niya kami..." Malungkot niyang sabi.

Hinawakan ko siya sa kamay ay tinignan sa mata. "Pangako, Ate. Hindi ko hahayaang mangyari yon. Masyado niya kayong mahal para makalimutan."

Nagngitian kaming dalawa hanggang sa makita namin si Tita na pababa ng hagdan. Hindi ko nakita si Blythe na kasama niya kaya nalungkot kami.

"Nasaan po si Blythe?" Tanong ni Lady Tyrra sa malungkot na tono.

Ilang segundo siyang nakasimangot pero bigla siyang ngumiti kaya naguluhan kami.

"Mag-aayos lang siya ng gamit niyang dadalhin sa Fantasia."

Nagkaroon ng kaunting kasiyahan sa mga puso namin. Nagyakapan ang magkapatid pagkatapos ay niyakap ni Lady ni Tyrra si Tita at nagpasalamat. Tinapik naman ako sa balikat ni Lord Tyrron.

Napatingin ako sa Ate ni Blythe. Nakasimangot siya at mukhang maiiyak na. Pero bago pa mangyari yon, niyakap ko siya ng mahigpit na siyang ikinagulat niya.

"Aalagaan ko siya at proprotektahan, Ate. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sakaniya." Humiwalay ako sakaniya at ngumiti.

Pagkatapos ng pagsasaya namin, pinuntahan ko si Blythe sa kwarto niya. Kumatok ako bago pumasok. Nag-aayos siya ng mga damit niya.

"Hindi uso ang jeans sa Fantasia. Iisipin nilang lalaki ka." Binagsak ko ang katawan ko sa kama niya. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang siya sa pag-aayos ng gamit niya.

Nagkaroon ng sandaling katahimikin. This is so not Blythe. Madaldal siya kaya nakakapagtakang tahimik siya ngayon. Naupo ako at pinagmasdan siya. Hindi siya nakangiti. Nakasimangot lang siya.

"Kung ayaw mong sumama bakit ka pumayag?"

"Kasi ayokong nakitang umiiyak si Mama." Yun lang at nanahimik nanaman siya.

Umiyak? Kaya ba siya sasama saamin dahil sa Mama niya? Isa siyang prinsesa! Yung iba nangangarap na maging prinsesa, samantalang siya itinataboy niya ang oportunidad. Si Aya nga pinangarap din niyang maging prinsesa eh.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon