Chapter 22

32 0 0
                                    


Blythe:


Nagsimulang magpanic yung tatlo nang biglang umiyak si Blaze. Nagulat rin ako pero halos matawa dahil sa reaksyon nila Aiden. Para silang nagpaiyak ng bata tapos hindi nila alam gagawin nila para patahanin siya.


"Hey, Blaze, huwag kang umiyak." Kuya Aeron pat Blaze's back but it wasn't effective.

"It's not like you to cry. Huwag ka nang umiyak. Walang magagawa ang pag-iyak mo." Wala. Hindi sila papasa bilang mga tatay kung hindi sila marunong magpatahan ng umiiyak.

"Lalaki ka ba talaga? Hindi gawain ng lalaki ang umiyak." Dumagdag pa itong Aiden Griswold na walang alam kundi maging masama sa mga tao.


Hindi ko napigilan sarili ko kaya lumapit ako kay Blaze.


"Alis. Alis!" Pagtataboy ko sa tatlo. Pumagilid naman sila at pinanood kung anong gagawin ko. Niyakap ko si Blaze dahil iyon lang ang alam kong gaganang paraan para kumalma siya. "It's okay to cry. Kung dyan gagaan ang loob mo, kung dyan ka magiging komportable, sige lang, Blaze. Iiyak mo lang. Umiyak ka lang hanggang maging okay ka. Cry and cry, until all your problems and pain are taken away by your tears."

After my speech, naramdaman ko ang kamay ni Blaze sa likod ko. He's hugging me back. And I could feel him crying even more. I feel bad for him.

"Anong gagawin ko, Princess?"

"I don't exactly know what happened between the two of you, pero ang masasabi ko lang. Love can wait. I know you've been waiting for too long. But wait for just a little while. I'll help you. I'll talk to Ace."

Biglang humiwalay sa yakap si Blaze. Gulat na gulat yung mukha niya, but at least he stopped crying. "Talk to her? That's impossible. Hindi siya nakikinig sa kahit na sino maliban sa mama niya― si Queen Artice."

"Are you sure?" I asked, mocking him. Kumunot lang ang noo niya.

"That's right." Bigla namang sumingit si Trunk kaya napatingin kaming lahat sakaniya. "Ace listens to Princess Blythe. There's no way she wouldn't."

Ngumiti ako dahil sa sinabi ni Trunk pagkatapos ay tumingin kay Blaze. Hindi parin makapaniwala yung expression ng mukha niya. "You have to trust me, Blaze."

Hinintay ko ang magiging sagot niya pero sakto namang tumunog ang bell. Ibig sabihin late na kami sa first class namin, which is History.



We went our separate ways, oh, no, si Aiden lang pala ang nahiwalay saamin. Pumasok kami sa classroom at nandon na si Mrs. Helga. Naka-cross arms siya at mukhang kami nalang ang hinihintay dahil nakaupo na doon si L. He's usually late pero maaga siya ngayon. At nasa harap na din si Ace. Nauna nga pala siya saamin.


'Hi.' I greeted him through mental telepathy. Pero wala akong narinig na response. Parang nakasara ang isip niya. 'Hiii~' I tried greeting him again, pero wala parin. Bigla nalang akong lumungkot.

Natigil nalang ang pag-iisip ko kay L nang tabigin ako ni Kuya Aeron. Right, I have to apologize since my rank's higher than them. Ganon daw. Sheesh! Burdensome.

"A-ahh. Sorry po, Mrs. Helga. Hindi na po ulit kami malelate." I said. Nakatayo parin kami sa likod habang lahat sila nakatingin saamin. Oh except L who's mind is wandering of somewhere. Ano kayang iniisip niya? Bakit hindi niya ako naririnig? Bakit hindi ako makapasok sa isip niya?

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon