Chapter 9

39 0 0
                                    


Blythe:


"Tahan na prinsesa, nandito lang ako."


For once, naging komportable ako sa isang tao maliban kay Aiden. For once, naramdaman ko na may mga tao palang kahit hindi ka pa gaanong kakilala, pinapahalagahan ka nila.


Yakap yakap ako ni Trunk ngayon. Patuloy parin ako sa pag-iyak. Nang biglang kumulog, napakapit ako sa damit niya.

"Shh. Shh. Okay lang." Pagpapatahan niya saakin. Hindi ko maintindihan kung bakit basta iiyak ako, laging umuulan. Laging may nangyayaring masama. Hindi ko alam kung coincidence lang ba o may iba pang rason. Lalo na ngayon na nalaman kong hindi pala ako ordinaryo. "Ano bang nangyari, prinsesa?"

Humiwalay ako sakaniya habang humihikbi parin. Umiling ako bilang tugon. Nagpunas ako ng luha at sinubukang tumahan.


"Blythe, ano bang problema?" Sa tono ng boses ni Aiden, pakiramdam ko galit siya. Pero bakit? Anong dapat niyang ikagalit? Naguguluhan na ako!


Lalapit sana si Aiden pero pinigilan siya ni Trunk by putting his hand on Aiden's chest.


"Dude, anong ginawa mo sa prinsesa?" Sa sama ng tinginan nila feeling ko may mangyayaring hindi maganda.

"Back off." Tinabig ni Aiden ang kamay ni Trunk at sinamaan siya lalo ng tingin. "Mind your own business."


Humakbang palapit si Aiden saakin pero humarang na si Trunk. Tumingin si Aiden kay Trunk ng masama at tinaasan niya ng kilay.


"Ano bang problema mo?" Tinulak ni Aiden si Trunk. Aiden's acting weird. "Diba sayo ko--" Humarang ako sa harap ni Trunk na ikinagulat ni Aiden. "Blythe, ano ba?!" Tumaas ang tono ng boses niya.

"Aiden, stop." I demanded.

Umiwas siya ng tingin saakin at napakagat siya ng labi niya. Alam kong galit siya. Kapag kasi kinakagat niya ang labi niya, nagpipigil siya ng galit.


"Anong nangyayari dito?"


Napalingon kaming lahat sa bagong dating na si Tito Tyrron. Naglalakad siya palapit saamin at mukhang hindi niya nagugustuhan ang nakita niya.


"Aiden, Trunk, may problema ba?"


"Wala po, Lord Tyrron." Nagbow si Trunk sa harap ni Tito.

"Sa nakikita ko mukhang meron eh." Binalingan ako ni Tito. "Blythe, umiyak ka ba kanina?" Teka, paano niya nalaman? Di kaya special ability ni Tito 'yon?

"Po? P-paano niyo po nalaman?"


"Kasi ang ganda ganda ng panahon, biglang umulan." Tumingin ako kay Aiden at nakatingin din siya saakin na parang sinisisi ako dahil sa nangyari.

"How could that be my fault? Anong kinalaman ng pag-iyak ko sa biglang pagsama ng panahon?" Pagalit kong tanong. He's being a jerk again.

"Hindi mo ba talaga makuha, Blythe? O sadyang slow ka lang?" Pang-iinsulto niya saakin. Ang sama sama mo, Aiden! Inaano ba kita? Nakakainis ka! "Blythe, everytime you cry or feel sad, naaapektuhan ang panahon. Naaapektuhan ang paligid." Huh? Wait, so he's really blaming me?

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon