Chapter 11

38 0 0
                                    


Blythe:


"Prinsesa, handa ka na ba para sa unang araw mo?"

"Opo, Mama."


Hinatid ako nila Mama at Papa sa labas ng palasyo. Kasama ko si Bliss dahil parehas kami ng pag-aaralan ni Bliss. 

Nakapark ang kulay puting coach. Parehas sila ng isang bus, ang pinagkaiba lang wala itong gulong kaya ibig sabihin, isa ito sa mga floating vehicles dito sa Fantasia.

Nagpaalam kami ni Bliss kina Mama at Papa at sumakay kami sa coach. 


Apat na araw na ang nakakalipas pagkatapos ng koronasyon ko at eto, papasok na ako sa school. Akala ko sila Mama at Papa ang magtuturo saakin kasi yun yung sinabi ni Tita Tyrra. Pero masyado raw silang maraming ginagawa kaya hindi nila mahaharap.

Okay lang naman saakin para maexplore ko naman ang iba't ibang lugar.


"Yo, princess!" Nakita si Blaze na nakatayo sa kinauupuan niya. Nagpunta ako doon at tumabi sakaniya. Sa tapat namin ay si Trunk at Kuya Aeron tapos sa likod nila ay si Ace na natutulog. 

Naupo si Bliss sa tabi ni Snow sa bandang harapan. Napansin ko ring kakami lang na mga royalties ang nakasakay dito.

"Tayo lang ba? O may dadaanan pa?" Pagkatanong ko 'non ay pumasok si Aya at Aiden na nagmamadali.


"Phew! Akala ko iiwan na tayo!" Naupo si Aya sa tabi ni Blast at nagsimula silang magkwentuhan. Ang lakas pa nga ng boses ni Aya eh. "Ang tagal kasi ni Kuya."

Nakita kami ni Aiden at naupo sa likod namin ni Blaze. Kasama rin pala sila sa Academiea?


"Yo, Griswold!" Lumuhod si Blaze sa upuan niya kaya nakaharap siya kay Aiden. "It's nice to see you in school again." 

Huh? Teka, sa pagkakaalam ko kasama ko si Aiden sa school ng ilang years. Ano bang pinagsasasabi ni Blaze?

"It's nice to know I'll get to beat you again." Overconfident namang ganti ni Aiden. Narinig ko ang pagtawa ni Kuya Aeron at Trunk sa tapat namin.

"Huwag kang pakasiguro, Griswold. Rank B+ na ako at Rank B ka palang." Sabi naman ni Blaze at umayos na ng upo.

"Ilang points lang pinagkaiba natin, Flammous. Tandaan mo yan." Pagkatapos non ay hindi na sila nag-usap. 


Pero hindi ko parin maintindihan yung sinabi ni Blaze kanina.


"Blaze, anong ibig mong sabihin kanina nung sinabi mo kay Aiden na it's nice to see you in school again?" Inemphasize ko yung word na again.

"Wala bang nakwekwento si Griswold sayo, princess?" Napatingin ako kay Trunk na siyang nagsalita.

Umiling ako bilang sagot.

"Nag-aaral siya sa Academiea, princess." 

"Paano?" Pinag-uusapan namin si Aiden kahit na nandito siya. Pero parang wala namang siyang pakialam. Pagtingin ko, nakatulog pala siya. Ang bilis ha? Parehas na parehas talaga sila ni Ace.

"Hindi rin namin alam. Mas magandang itanong mo nalang siya, princess."


Sumulyap ako kay Aiden na mahimbing ang tulog. Marami pa pala siyang hindi nasasabi.

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon