Chapter 30

7 0 0
                                    


Nanlaki ang mga mata nila nang marinig ang sinabi ko. Hindi pa nga pala nila alam yung tungkol doon. Wait. Sinabihan ba ako nila Mama na pwede kong sabihin sa iba yung tungkol sa kapangyarihan ko or did I just forget it?


But, anyhow, nasabi ko na sakanila. There's no turning back. Unless I tell thim it's a joke at ginugood time ko lang sila. Should I?


"What do you mean lost your powers?" Naguguluhang tanong ni Kuya Aeron.


"Eh kasi... One time Lady Tyrra was training me tapos bigla nalang nawala yung apoy sa kamay ko at hindi na ako nakapagpalabas pa."


"Paano na yan? Your white flames are your source of power and life. Kung wala yon, hindi mo rin magagamit ang iba mong kakayahan. And worse..." Tinignan ni Blaze ang mga kasama namin isa isa na parang tinatakot. May nalalaman pa siyang paganyan ganyan. "You might die."


"Uhm..." Tumingin ako kay L nang maisipan niyang magsalita, sa wakas. "Can you try with me?" Nilahad niya ang kamay niya. Pinagpalit palit ko lang tingin ko sa kamay niya at sakaniya. Gusto ba niyang hawakan ko kamay niya? Gusto ba niyang magholding hands kami? "Hindi ko alam kung may mangyayari, but there's no harm in trying, right?"


Nahihiya ako sa sarili ko dahil sa iniisip ko. Buti nalang nakasara ng maigi ang isipan ko at hindi niya mababasa kung ano yung naisip ko kanina. Ano ba yan? Nahahawa ako kay Blaze dahil sa mga sinasabi niya.


Dahan dahan ko namang pinatong yung kamay ko sa kamay niya at mahigpit niya itong hinawakan. Bakit ganon? Bakit ang higpit? Bakit ganyan siya? Pakiramdam ko tuloy namumula nanaman ako.


"Huy, Princess. Ano? Magkakasakit ka na ba? Bakit ka namumula?" Gustong gusto ko nang hampasin si Blaze ng kahit anong matigas na bagay. Yung mawawalan agad siya ng malay para di na makapagsalita.


Hindi ko nalang siya pinansin at sinubukang gumawa ng white flames sa palad ko. Ilang segundo kong pinilit na may lumabas na apoy pero walang lumalabas.


"Ugh!" Binawi ko ng pagalit ang kamay ko sa kamay ni L. Wala parin. Walang silbi. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Paano ko ibabalik yung kapangyarihan ko? Bakit ba nangyayari saakin to?


Naghalo halo na yung mga iniisip ko. Si Aiden, yung away nila ni L, yung pagoverflow ng kapangyarihan ko, at ang pagkawala nito. Ano pa ba? Ano pang dadagdag sa problema ko?


"Princess..."


"What?" Bulyaw ko kay Trunk. Nakatingin sila sa likod at parang natatakot pa sila. Lumingon ako at nakita ko ang puno na lumiliyab sa puting apoy. "What..." Napanganga ako dahil sa nakita ko.


Ginamit naman ni Ace ang kapangyarihan niya upang mawala ang apoy pero walang nagawa ang tubig. Sinubukan rin naman ni Kuya Aeron pero hindi rin nakatulong ang hangin.


"Hoy, Flame caster, can't you do anything?" Masungit na tanong ni Ace sakaniya.


Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon