Chapter 13

41 0 0
                                    


Blythe:


"Eh sayo lang naman siya mabait, gentleman at caring, Ate."


Sasagot pa sana ako para makaganti kay Bliss pero dumating na yung pagkain namin. Yey! Food! Una kong kakainin yung Steak. Pero bago ako kumain, nagpray muna ako. 

"...Amen." Pagkatpos kong magpray, napatingin ako sakanila. Nakatitig lang sila sa pagkain ko. "What? I'm hungry."

Bumalik sila sa senses nila at kumain na rin.


"Bakit dalawang spaghetti?" Tanong ni Bliss habang nakaturo sa dalawang plato ng spaghetti sa harap niya.

Inabot ko yung isa at hinila palapit saakin. "That's mine." Then I went back to eating my Steak.

"Ate, ang takaw mo pala." Natatawang sabi ni Snow. "Bakit hindi ka nagkakafats?"

Nilunok ko yung steak na nginunguya ko atsaka nagsalita. "That's... a secret."


Tahimik lang kami habang kumakain. Except kay Blaze at Blast. Nag-uusap sila about something na hindi ako makarelate.


"Sabi ni Lolo, kapag nagawa mo raw yung Healing Flame, immortality ang katumbas." Sabi ni Blast atsaka sumubo. Pinapanood ko silang mag-usap at ang cute nilang magkapatid!

"Pero wala pa namang nakakaperform 'non."

"Mahirap daw talaga. Nagbasa ako sa library about Healing Flame pero wala akong mahanap na mas madaling paraan."

"You're still too young to perform that. Kung hindi kaya ni Lolo, walang makakakaya."

"Yeah."


Ano bang pinag-uusapan nila? Healing Flames? Ano yun? Ngayon ko lang narinig yon. And immortality? Talaga? Aish. Ipagpatuloy lang ang pagkain, Blythe. Sayang  ang Strawberry Swirl kapag natunaw.


"Oo pala, Ate." Nagkatinginan si Snow at Ace. Sila din mag-uusap? Bakit parang by sibling ang pag-uusap dito? Napansin ko rin kanina nung nag-uusap kami ni Bliss eh. 

"What?" Malamig na tanong ni Ace. She's really cold to everyone. Even her sister.

"I can already perform hydroportation." Sabi niya sa ate niya at sobrang saya pa niya. Yung parang naka-achieve siya ng isang bagay.

"Took you long enough." Wow. Napaka-encouraging mong sister, Ace.

"Though medyo nahihirapan parin ako. Especially kapag tinatry ko sa malayong lugar." Teka teka, ganito ba ang mga topics nila kapag nag-uusap? About their abilities?

"Yeah, me too." At ang tipid talaga niyang magsalita! Jusme. Paano nalang sa palasyo nila? Sobrang tahimik niya siguro kapag hindi na siya kinakausap.


Natapos kaming kumain at kinuha naman ng mga school workers yung pinagkainan namin. Nalaman ko rin na walang bayad yung kinain namin. Phew. Buti nalang. Nakalibre pa ako. Ito ang maganda sa pagiging royalty.

Libreng pagkain!


"We still have 45 minutes 'til our next class. Where do we go?" Wow ang galing ni Trunk. Kahit wala siyang kahit anong orasan na nakikita, alam niya ang oras. Isa kaya sa mga ability niya yon?

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon