Chapter 15

40 0 0
                                    


Aiden:



"Bliss... I love you, too..."


Gulat na napabangon si Bliss at tumingin doon sa nagsalita. Habang ako naman, nakatitig parin sa kalangitan. Ang ganda talaga. Nakakawala ng problema.

Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Aya. Yeah, siya yung nagsalita.

"Aya!" Napapadyak ng paa si Bliss sa inis. Naloko siya.


Ginamit niya yung wand niya to manipulate her voice. Paano ko nalaman? Sabihin nalang natin na memorize ko yung boses ni Blythe kaya kahit gayahin pa ni Aya, walang saysay para saakin. Ilang taon ko ding nakasama si Blythe kaya alam na alam ko ang boses niya.


"Hahahahahaha! A-akala... Hahahahaha! Akala mo.. Si Ate... Hahahahaha!" Hindi na naubusan ng tawa yung kapatid ko.

"Nakakainis ka talaga!"

Patuloy naman sa pagtawa si Aya. Hanggang sa maghabulan sila.


Tumayo ako at nilayasan yung dalawa habang naghahabulan doon. Panira naman eh. Ang ganda ng pag-eemote ko dito. Tss.

Napadaan ako sa tapat ng kwarto ni Blythe at napatigil doon. Nakatitig lang ako sa pintuan. Kakatok ba ako? O hindi? Humakbang ako paatras, pero bumalik rin ako.

Huwag muna.

Humakbang nanaman ako paatras, pero bumalik nanaman ako. Ang gulo-gulo ko na. Bakit ba ako nagkakaganito?

Bahala na nga.

Kumatok ako ng tatlong beses at binuksan yung pintuan. Sumilip muna ako tapos pumasok.


"Hi, Blythe." Bati ko sakaniya na nakadapa sa kama niya habang nagsusulat.

"Oh, Aiden, bakit?"

"Wala lang. Nababagot lang ako." Palusot ko. Pero sa totoo lang, biglang gusto ko nalang siyang kausapin. Binagsak ko ang katawan ko sa kama niya.

"Huy, ano ba? May ginagawa ako." Ah oo pala.

"Sorry." Sabi ko. Okay, magdadahan dahan na ako. "Actually, namiss kita."

"Pfft." Tinawanan niya lang ako. Ang sama sama. "Nakatira na nga tayo sa iisang bahay― palasyo eh.."

"Lagi mo nalang kasing kasama sila Trunk eh."

"Nakakasama din naman kita ah?" Tumingin siya saakin kaya napatingin din ako sakaniya.

"Sa bus lang. Sa school hindi." Nagpout siya tapos pinagpatuloy yung sinusulat niya. Ano bang sinusulat nito? Di naman uso assignment sa Academiea ah? Gumalaw ako pero dahan dahan para di siya maabala. Ginaya ko yung pwesto niya para tignan kung anong sinusulat niya.

"Magkaiba kasi tayo ng klase eh." Di naman siya nagsusulat. Nagdodrawing siya. Dinodrawing niya si...

"Sino yan?" Tanong ko habang nakaturo sa sketch pad.

"Si L." Ahhh. Si L... SI L?!

"Bakit mo siya dinodrawing? Teka nga, Blythe." Tumigil siya at inosenteng tumingin saakin. Inosenteng inosente yung mukha niya. Aysh! "May gusto ka ba sakaniya?"

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon