Chapter 35

4 0 0
                                    



Right now, I'm standing in front of the Viperion King who was examining me with his eyes. I looked him dead in the eyes, trying to look strong. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina sa harap nila, they'll take advantage of that. Kahit hindi ko alam kung anong gagawin ko at sobrang lakas ng kabog ng puso ko, sinubukan kong magmukhang matapang.


Hindi na nakatingin si L saakin. He's taking his gaze away from me. His mind is still shut. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman ko. Bakit siya nandon? Was everything that happened all a show dahil alam niyang pagdating sakaniya, I was willing to risk everything?


"Viperions!" The King finally spoke. "Dumating na ang oras na pinakahihintay natin," The crowd went wild dahil sa sinabi ng Hari nila. Sa isang pagtaas niya lang ng kaniyang kamay, naging tahimik ulit. "Nasa mga kamay na natin ang walang iba kundi ang Lumen Princess!"


I don't even know what they need from me. Up until a few months ago, I didn't even know they existed, I didn't even know Fantasia existed! So why me? And why now?


My mind was flooded with thoughts and question to the point na nahihilo na ako at parang mawawalan ako ng hininga anytime.


Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit. My sight was starting to get blurry again. Nadako ang tingin ko kay L. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba o nag-aalala yung reaksyon niya.


No. Why would he get worried about me? He's the Viperion Prince, he's not capable of feeling such things like concern. Everything he showed me in the past are all lies; everything was an act. Don't get your hopes up, Blythe.


"Gamit ang prinsesa, mapapabagsak na natin ang mga Lumenia! Magiging saatin na ang Fantasia! Magiging Malaya na tayong lahat. Wala nang magtatago, wala nang Viperion ang matatapakan sa lugar ng Fantasia."


Now I get it.


They just wanted to be free. They just wanted to be part of Fantasia and to walk without prejudice. Pero dahil naturingang kaaway ng Lumen Clan ang mga Viperions, hindi nila ito magawa. They all just wanted to have a normal life.


"If you wanted freedom, why start a war?" I decided to speak what was on my mind. "Why would you start a war you know you can't win?"


The Viperion King grinned. "Lumabas muna kayong lahat." Utos niya sa mga tao dito. Aalis na rin sana sina L at Elle, pero nagsalita ulit ang Hari. "Light, maiwan ka. Lorelle, leave us." Aangal pa sana si Elle pero wala na siyang nagawa dahil sa tingin ng hari sakaniya. Bumalik naman sa pagkakaupo si L pero nakaiwas parin ang tingin saakin.


Naglakad palapit saakin ang hari. Now we're standing face to face, both staring at each other's eyes.


"A war we cannot win?" Pag-ulit niya sa sinabi ko kanina. "Princess, you are the holder of the prophecy. Ikaw ang susi sa lahat, at ikaw rin ang magiging dahilan ng pagbagsak ng Lumen Clan." He said without breaking eye contact. Pagkatapos niyang sabihin yon ay naglakad siya pabalik sa kaniyang trono. "Without you on their side, they won't stand a chance against us."

Once Upon A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon