<a/n:> Hello Pipsz! This is the first chapter of my first ever short-story. Please support niyo po ito.
Alam ko po hindi ito ganun kaganda kasi hindi naman po ako professional writer. Gusto ko lang po talagang magsulat kaya ito po.
Sana po kahit papaano ay magustuhan niyo.
Salamat po sa mga magbabasa!! ^0^
Please Leave a Comment po…
Vote na rin po kung nagustuhan niyo.
Enjoy Reading po! ^_^
Saera's Pic on the side >>>
******
Chapter 1:
“Ahra!!!” kaagad naman akong napalingon sa likod ko at nakita ko si Ynna na nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin. Ano kayang problema nito? Huminto muna ako para naman hintayin siyang makalapit sa akin.
Nang makalapit na siya sa akin ay agad niyang hinawakan ang kanang braso ko. Psh! Problema nito? =_=
“Arah, s-si Azel n-na s-sa may likod nitong school. Pinagtutulungan siya ng grupo nina Mark at Jenny.”
“A-ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!”
“Eh kasi…”
“Wag mong hayaang may ibang makaalam nito lalo na ang mga prof.”
Yun lang ang sinabi ko at iniwan ko na si Ynna.
‘Damn! Humanda sila sa akin! Kapag may nangyari lang talagang masama kay Azel, sisiguraduhin kong ibabaon ko silang lahat ng buhay!!’
-------------------------------------------------
“Huhuhuhu…Parang awa niyo na, wag niyo tong gawin sa akin. Wala naman akong ginagawang masama sa inyo ah! Huhuhu. Ate! Nasaan ka na?”
“Sige, umiyak ka lang. Yan ang bagay sa isang malanding kagaya mo! Akala mo kung sinong mahinhin nasa loob din naman pala ang kulo! Kahit tawagin mo pa ang Ate mo, wala pa rin siyang magagawa. Kung gusto mo pagbuhulin ko pa kayong dalawa!”
“Sinong pagbubuhulin mo?!” sigaw ko sa kanila sabay sipa doon sa trash can.
Kaagad naman silang napalingon sa direksiyon ko at bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat at takot. Takot? Dapat lang! Dahil kaya kong manakit ng iba para lang sa kapatid ko.
“Well, mabuti naman at dumating ka na. Kanina ka pa namin hinihintay, Miss Ahra Saedel Alcantara. The Great Defender of Her Angel…Slut Sister. Ano pang hinihintay niyo sugurin niyo na siya!”
Pagkasabi nun ni Jenny ay kaagad naman akong sinugod ng grupo nila Mark.
“Tssk! Pitong lalaki laban sa isang babae lang? Kahit kelan talaga Jenny, hindi ka marunong lumaban ng patas. YOU’RE SUCH A DIRTY PLAYER SLUT! At ikaw din Mark, alam mo ba na matagal ko ng nababalitaan na isang ka lang baklang duwag? Noon ayaw kong maniwala, pero ngayon napatunayan ko na! Hahaha, such a PATHETIC IDIOT!”
“Tumigil ka na diyan! Ang dami mo pang satsat!”
Sumugod na si Mark at susuntukin na sana ako pero mabilis ko yung naiwasan at kaagad ko namang sinipa ang kanyang pinakaiingatan. Alam niyo na yun…yung nasa pagitan ng kanyang mga hita. :) Namimilipit na sa sakit si Mark kaya naman sinuntok ko siya sa magkabila niyang panga. Kaagad naman itong nawalan ng malay. Haha, serves him right. Sunod na sumugod naman yung anim na lalaki. Natamaan ako nung tatlong lalaki kaya naman dalawang beses na pumutok yung labi ko at nagkasugat na rin ang kanang pisngi ko. Pero nung nakabawi na ako ay pinagbubugbog ko din sila.
“Psh! Mga weak! So ano?! Tayo naman ang magtutuos ngayon Jenny? Ready ka na bang mabasag yang mukha mo?” I said and then smirked.
“Grr!! Humanda ka!!! Girls, sugod!!” mabilis na sumugod sa akin yung limang babae, including Jenny. Sinasabunutan nila ako at pinagkakalmot.
‘Tssk! Ang weak naman lumaban ng mga ito! Masyadong nagpapakamahinhin, hindi naman bagay!’ =_=
Hindi ako pumapatol sa mga babae, pero hindi rin naman ako papaya na magpabugbog na lang sa kanila noh! Ano sila hilo?! Para saan pa at nag-aral ako ng mix martial arts kung hindi ko lang din naman gagamitin yun bilang self defense? Di ba?
Isa-isa ko silang pinagsisipa palayo sa akin at ang tatlo sa kanila ay sinikmuraan ko, yung isa namang babae na may makapal na buhok ay sinabunutan ko tsaka ko itinulak para masubsob sa sahig. At ang pinakahuli ay si Jenny itinulak ko siya kaya naman kaagad siyang napadapa sa sahig at bahagya kong idiniin ang kanang pisngi niya sa semento gamit ang kanang paa ko.
“Oh ano ka ngayon? Sino ang sinabi mo kaninang pagbubuhulin mo? Ako ba or I mean kaming dalawa ba ‘yon ng kapatid ko? Haha. Hanggang ngayon ba naman Jenny, hindi ka pa rin nagtatanda? Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na wag na wag niyong gagalawin ang kapatid ko kung ayaw niyong nakakalaban ako? 3rd year college na tayo! Akala ko pa naman nagbago ka na! Pero hanggang ngayon pala isip high school ka pa rin. Ipapaalala ko lang sa’yo to Miss Jenny THE LOSER Perez, sa susunod na saktan mo pa ulit si Azel, sisiguraduhin kong MAGKIKITA NA KAYO NI KAMATAYAN!”
Pagkasabi ko nun ay tumalikod na ako at naglakad papunta sa direksiyon ng bunso at nag-iisa kong kapatid na si Azel Shanie Alcantara. 18 yrs old na yan, pero dahil sa may sakit siya sa puso ay nagmumukha siyang mas bata kesa sa edad niya. Madalas kasi siyang nakangiti at madalas pang manlambing.
“Shan, okay ka lang ba? Sorry kung nalate ako ng dating ha. Hayaan mo simula ngayon, palagi na tayong sabay na maglulunch. Tara na umuwi na tayo.”
“Huhuhu. Ate, I’m sorry. Nagkasugat ka na naman ng dahil sa akin. Sorry talaga Ate. Nakakainis kasi ako ee! Bakit ba kasi napakahina ko? Hindi tuloy kita maipagtanggol sa kanila.” Sabi ni Shan habang nakayakap siya sa akin.
“Shh..Tama na yan Shan, wag ka ng umiyak. Okay lang ako. Wag ka ng mag sorry, hindi mo naman kasalanan kung bakit mahina yang katawan mo eh. Tsaka isa pa, kaya nga bagay na bagay tayong magkapatid eh, ikaw mala anghel ako naman mala demonyo. Hehe, don’t worry Shan, hindi ka na ulit nila masasaktan pa. Nandito lang ako. Promise lagi kitang ipagtatanggol at gagawin ko ang lahat para lagi kang maging masaya.”
*****
(A/N:) Nagustuhan niyo po ba?
Please Leave a Comment po...
Salamat pong marami!! ^0^
_Cylie <3 JHHJ Couple ^.~