Hello Again! This is the second chapter.
Sana may nagbabasa pa nito..
Salamat po ng maraming marami sa mga nagbabasa nito!
ILOVEYOU ALL!! ^0^
Sorry for the Typos and Wrong Grammar..
Enjoy Reading..
Comment Please…
*****
Chapter 7.2
Ahra’s POV
“Tikang!” kaagad akong napahinto na sa paglalakad ko ng marinig ko ang boses ni Ynna.
‘Anak ng! Sinabi ko na sa kanyang wag na wag akong tatawaging Tikang kapag nasa public place kami at maraming tao ang makakarinig eh! Ang tigas talag ng ulo! >__<’
Paulit-ulit lang si Ynna sa pagtawag sa akin ng Tikang pero hindi ko siya nilingon. At nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko.
“Kang!” may humila sa braso ko at pilit akong pinaharap sa kanya.
Wow! Bilis talaga nito maglakad kahit kelan. =_=
“Kang. Kanina pa kaya kita tinatawag pero ayawmo namang lumingon. Hindi mo ba ako naririnig?”
“H-ha? Kanina mo pa ba ako tinatawag? Pasensya na hindi ko kasi naririnig eh.” Sagot ko sa kanya habang tinatanggal ko ang earphones sa magkabilang tenga ko.
“Ah. Kaya pala hindi ka lumilingon kahit na kanina pa lumalawit ang lalamunan ko dito kasi naka-earphones ka pala. (-__-)7”
Napangiti na lang ako sa sinabi ni Ynna.
Haha! Kung hindi niya lang alam. Wala naman talaga akong pinapakinggang music sa earphones ko. Kasi naman hindi naman ito nakakabit sa Ipod ko eh. Trip ko lang kasi maglagay ng earphones sa tenga. Para kasing astig. Haha. (^__^)v
“Ahra. Tanong ko lang bakit---” hindi ko na pinatapos si Ynna sa sasabihin niya. Alam ko namang yung tungkol lang kay Zed ang itatanong niya sa akin eh. =_=
“Nga pala Ynna. Nakita mo ba si Jayden? Kanina ko pa kasi siya hinahanap eh. Gusto ko lang ulit mag-thank you sa binigay niyang chocolates and flowers na iniwan niya na naman sa locker ko.” Sinabi ko yan ng nakangiti at para bang kinikilig pa ako.