Giving Her My Everything (Short Story) Chapter 18.2:

197 2 0
                                    

... Sphade's pic on the side... cute noh?  ^-^ >>>

Chapter 18.2:

Ynna’s POV

“Sphade umalis ka dito baka mapaso ka. Ikaw din Acey, bumaba ka diyan baka mahulog ka.”

Yan ang mga narinig ko ng makalabas ako mula sa kwarto, ang kambal nagpapasaway na naman kay Rex…buti pa si Hera, nandito lang sa living room at tinitignan ang mga story books na binili ng Mommy at Daddy niya.

“Acey, humawak kang mabuti baka malaglag ka…Oh Ynna, okay ka na ba?”

Napadako ang tingin ko kay Rex na kakalabas lang mula sa kusina, naka piggy back sa kanya si Acey at nakakapit naman sa kaliwang binti niya si Sphade. Ang cute!!! ^0^…Para siyang totoong Daddy sa--- Erase, erase…Ano ba yang iniisip mo Ynna?! Alam mo namang hindi na mangyayari yon.

Lumapit na lang ako sa kanila at kinuha si Acey na nakasabit sa likod niya.

“Tita, let’s go to the mall po?” –Sphade

“Ok---”

“No Tita, ayaw po doon ni Hera.” – Acey

“But…” –Sphade

“No buts kiddo, dito na lang tayo, we’ll watch movies here.” – Rex

Nag pout na lang si Sphade at nauna ng umupo sa tabi ni Hera.

Tinignan lang siya sandali ni Hera at ibinalik ulit ang tingin sa mga librong tinitignan niya kanina…Mukhang nainis si Sphade sa ginawang pang-iisnab sa kanya ni Hera kaya naman kinuha niya ang librong hawak nito at inihagis kung saan then isinandal niya ang ulo ni Hera sa balikat niya.

Napailing na lang ako, mukhang may mabubuo na in the future ha? Maabangan nga.  ^-^

**

Nakakatatlong movies na kami, kanina puro pang bata, then ngayon, A Walk to Remember naman ang pinapanuod namin.

*It’s our party we can do what we want, it’s our party we can sing what we want---*

“Hello?” – Rex

Gusto ko sanang mag eavesdrop kaya lang mukhang nahalata ni Rex yun kaya naman tumayo siya at pumunta sa kung saan.

‘Tsk! Makiki-chismis lang ayaw pa niya…Siguro may itinatago sa’kin yung Manong Rex na ‘yun?’

Napailing na lang ako sa naisip ko…*sigh*

Sabagay, ano nga ba namang karapatan ko diba?....I’m just his…friend/bedmate.

“Tita…pwede po ba tayong pumunta kila Lola?” –Acey

“Oo naman Acey, pero papaliguan ko muna kayong tatlo okay?”

Sabay-sabay na nagtanguan naman ang tatlo then dinala ko na sila sa bathroom.

“Tita…ako na lang po ang maliligo mag-isa.” – Sphade

“Ha?...Baka madulas ka Sphade.” – me

“No po Tita, kaya ko na po.”

At nagmamadali na nga siyang pumasok sa loob. Siguro nahihiya siya sa’kin…Hahaha!!...Ang cute lang!!  ^-^

**

“Ynna, maiwan ko muna kayo diyan ha, may kailangan lang akong puntahan.” –Rex

“Ha?...Saan ka naman pupunta?....Siya nga pala, pupunta ako sa bahay nila Tita, nagpapahatid ‘tong mga chikiting doon.” – me

“Basta, sige ingat kayo.”

He kissed my cheek then lumabas na siya.

Napansin ko lang, this past week, naging sweet sa’kin si Rex…Ayoko sanang mag-assume kasi ayokong masaktan, but…masisisi niyo ba ako kung umasa nga akong may possibility na gusto niya na rin ako?

‘How I wish…Sana nga, matupad na ang matagal ko ng hinihiling…Sana mahalin niya na rin ako.’

-x-x-x-

Rex’s POV

“Hello Tito! Bakit niyo po ako pinatawag?” – me

Sumenyas si Tito Ethan, ang Daddy ni Ynna na maupo ako kaya naman naupo na ako sa upuang katabi lang ng working table niya.

“Let’s get straight to the point Hijo. Alam mong malaki ang respeto ko sa’yo at sa pamilya mo and besides, good friends kami ng Daddy mo…pero alam mo naman kung gaano kahalag sa’kin ang kaligayahan ng nag-iisa kong anak.” – Tito Ethan

“Alam ko po yun Tito. Pero ano pong gusto niyong sabihin?” –me

“Do you love my daughter Lance?”

Napayuko na lang ako sa tanong ni Tito sa’kin…Sa ngayon, hindi ko pa talaga alam…magulo pa rin ang isip ko. Hindi ko pa siya masasagot sa ngayon.

“I guess, I already know the answer…Bakit niyo ginagawa ang bagay na yon kung hindimo naman pala siya mahal?”

“Tito---”

“Wag ka ng magtaka kung bakit ko nalaman ang bagay na yon…Don’t worry, hindi si Ynna ang nagsabi sa’kin. I’ve just got my own means when it comes to my daughter.”

“Ngayon pa lang, itigil niyo na yan. Just leave my daughter alone Lance…or else, i’ll do everything para siya ang lumayo sa’yo. Alam ko pa naman ang sikretong tinatago mo Rex Lancer Salcedo.”

“P-papaano pong---”

“Alam mo naman kung gaano kalaki ang galit ni Ynna doon sa taong naging dahilan ng pagkamatay ng Mommy niya diba?...Ano pa kaya kapag nalaman niya na ang taong pinagkakatiwalaan niya ang taong naging dahilan para mawala ang pinakamamahal niyang Mommy.”

**

“Bigyan mo ko ng pinakamatapang niyong alak.” –me

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa kompanya ni Tito Ethan ng nanlalambot ang mga tuhod ko. Nandito ako ngayon sa Bar…gusto ko munang makapag-isip.

“Sir, ito na po.”

Kaagad kong inubos ang laman nun…gusto kong makalimot, kahit ngayon lang.

Yung dahilan kung bakit pilit kong kinalimutan ang nararamdaman ko dati kay Ynna…ngayon may nakakaalam na ng dahilan na yun. Ano ng mangyayari? Mawawala na ba sa’kin ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko?...Magagalit na ba siya sa’kin?

Kung masasaktan ko siya ngayon dahil sasabihin kong hindi ko siya mahal…tingin ko mas makabubuti yon kesa sa malaman niyang ako ang dahilan kung bakit namatay ang Mommy niya.

Mas masasaktan siya kapag nalaman niya yun…Alam ko kung gaano kalakiang galit niya sa taong yun, na ako pala…Ayokong magalit siya sa’kin. I know she won’t forgive me kapag nalaman niya ang katotohanan.

‘I’m sorry Ynna, ayaw kitang saktan…pero wala na akong ibang choice…but please remember this…you’re the most special person for me ever since. Goodbye My Angel…J’et Aime.’

 -x-x-x-x-x-x-

<A/N:>  Thanks for dropping by again... ^0^

..Siya nga po pala, just PM me sa may want ng soft copy...

.. Leave a COMMENT ... VOTE na rin if nagustuhan niyo..

_CylieSapphire 11-06-13 

Giving Her My Everything (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon