Chapter 8.1:
Ahra’s POV
“Sae.” Napaangat ang tingin ko kay Ynna.
“May Balita ka na ba kay Zed?? Tatlong araw na siyang hindi nagpapakita sa atin ah.”
Umiling na lang ako tsaka muling ibinalik ang tingin ko sa notebook na kanina ko pa sinusulatan ng kung ano-anong maging ako ay hindi ko naiintindihan.
“Sae.” Narinig kong sabi ni Ynna sabay upo sa katapat kong upuan.
“Wala ka bang balak alamin kung nasaan na si Zed ngayon? Kung ano na bang nangyayari sa kanya. Kung bakit hindi siya pumapasok. Kung b---”
“Sa tingin mo ba hindi ako nag-aalala sa kanya? Sa tingin mo ba wala akong ginagawa para malaman kung nasaan na siya ngayon? Kung ano ng nangyayari sa kanya. Kung may sakit ba siya o wala. Sa tingin mo ba hindi ako naiinis sa sarili ko kasi wala akong silbing girlfriend ni hindi ko man lang alam kung nasaan na yung boyfriend ko.” Pagkasabi ko ng mga yun, ang mga luhang nung isang araw ko pa pinipigilan ay tuluyan na talagang bumagsak.
Ang sakit lang. Hindi ko alam kung nasaan na ba siya ngayon. Hindi ko alam kung ano na bang nangyari sa kanya.
“Sae. Shhh. Stop crying. I’m sorry. Baka naman may importanteng ginagawa lang si Zed kaya naman hindi siya nagpaparamdam or nagpapakita man lang sa’yo.”
“For Pete’s Sake Ynna! Anong klaseng Boyfriend siya?! Hindi niya ba alam na para na akong tanga kakaisip kung asan na siya? Kung ano na ba nangyari sa kanya. Ganun ba siya kabusy at ganun ba kaimportante ang kung ano mang ginagawa niya ngayon para makalimutan man lang niya akong itext?! Kahit sana itext niya ko ng ‘Hoy Babae! Buhay pa ako. Wag kang mag-alala’. Mas tatanggapin ko pa yun kesa sa ganito. Wala man lang siyang pasabi. Bigla-bigla na lang siyang mawawala!”
“Sae. I---” hindi ko na pinatapos si Ynna sa sasabihin niya. Bastos ba? Okay lang. Kilala naman ako ni Ynna. Naiinis kasi ko ngayon at the same time nag-aalala sa mokong na yun. >_<
“Impakto siya! Wag na wag na talaga siyang magpapakita sa’kin! Kundi kakalbuhin ko talaga kilay niya!” Pagkasabi ko nun ay umalis na ako kagad. Naiinis ako ngayon. Gusto kong manuntok. >.<
***
“The Number you dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.”
“Arrgh! Ano ba Zed?! Wala ka ba talagang balak sagutin ang phone mo??” Tsk! Kainis naman!! >.<
Okay alam ko. Para na akong ewan dito. Kinakausap ko yung mokong na yun kahit wala naman siya dito. =_=
Kainis naman kasi!! Tatlong oras ko na siyang tinatawagan pero kahit isang beses hindi man lang siya sumagot. Grrr!! >____<