... Ynna on the side>>>
Chapter 20.2:
Ynna’s POV
2 days na ang lumipas since nung araw na makita namin si Samantha and eto pa, meron pa akong another chika sa inyo, my one and only bestfriend ay….
5 weeks pregnant lang naman.
“Kang, mamaya mo na pagnasaan ang sarili mo sa salamin, pwede paki bili mo muna ako ng Vanilla Ice cream, pati ng guyabano, tsaka siomai, strawberry, pati marshmallows.”
“Ano pa po Madam? Ginagawa mo na akong katulong ah.” – me
“*smile* Sorry Kang.”
“Fine, ano pa nga bang magagawa ko?...Little angel, wanna come with me?”
“Mommy, babye po muna….Let’s go na po Tita.” - Hera
Lumapit lang si Hera sa Mommy niya at kiniss siya nito sa cheek.
Awwts…Kainggit!! Buti pa si Saera, may Hera na nga siya, magkakababy pa ulit sila ni Zed.
^-^
“Baby Hera, namimiss mo na ba ang Dada mo?”
“Yes po Tita…Pero para pong galit si Mommy kay Dada, kaya hindi ko po siya pwedeng makita.”
“No Baby, hindi galit ang Mommy mo sa Dada mo, medyo nagkakatampuhan lang sila ngayon…I’m sure malapit na sila magkaayos, lalo na ngayon, magiging Ate ka na.”
“Tita…P-pano po kapag, ayaw na po sa’kin nila Mommy kapag nagkaroon na po sila ng bagong Baby?...Kukunin niyo po ba ako?”
“Little Angel, hindi ka aayawan ng Mommy at Dada mo, mahal ka nila…Pero kung mangyari nga ‘yon, isasama kita kahit saan ako magpunta, Tita Ynna will take care of you okay.”
“Thanks po Tita.”
I get my phone and dialed his number…Ayoko sanang makialam pero kailangan na nilang magka-ayos. Nahihirapan na si Hera, alam ko ding nahihirapan na silang dalawa…at ngayon, meron ng responsibilidad si Zed sa bestfriend ko.
(Hello. Sino to?) - Zed
“Hello. It’s me Ynna, tumawag lang ako para sabihin na kung gusto mo pa matupad ang pangarap mong makasal kay Saera, hintayin mo kami sa airport, by 5 pm nandiyan na kami sa Manila bukas.”
I ended tha call…I’m sorry Sae, I have to do this…ayoko ng malungkot ka pa.
**
“Baby, tama na yang pagkain mo ng ice cream. Mamaya niyan hindi ka na makakain ng dinner.”
Kanina pa yan sinasabi ni Saera kay Hera pero ang maganda kong pamangkin…ayun, dinededma ang Mommy niya.
“*laughs* Little Angel, wag kana munang kumain niyan…bukas for sure, bibilhan kita ng maraming ganiyan. Magcecelebrate tayo *wink*”
“At bakit naman?...Anong meron ang magcecelebrate kayong dalawa ha?” – Saera
“Wala po Mommy, done na po pala akong kumain.” - Hera
“Ynna, don’t tell me may binabalak kang hindi maganda?”
Tinaasan pa ako ng kilay ni Saera, but i just look at her innocently…Maniwala ka please…wala akong gagawin na hindi maganda.
At matapos ang ilang minutong pagtitig niya sa kagandahan ko ay nagbawi na siya ng tingin at nagpunta sa banyo para linisan si Hera.
-x-x-
“Kang, maghahanaplang ako ng marerentahang taxi doon, just wait me here. Then sumakay na lang kayo sa unang taxi na hihinto sa harap niyo okay?”
“But---”
“No buts, Saera, just follow my instrunction okay?” – me
Tumango na lang si Saera. Naglakad ako sa direksiyon ng mga taxi, nang makita ko si Zed, nilapitan ko na siya.
“Nandoon sila Saera, huminto ka sa harapan nila, then hintayin mong makasakay silang dalawa sa taxi mo. After that, ikaw ng bahala…just promise me na hindi mo na sasaktan ulit ang bestfriend ko….at ang magiging inaaanak ko.”
Napansin kong kumunot ang noo ni Zed sa huli kong sinabi…as I expected, as slow niya lang. (─_─ #)
“Buntis si Saera…bilisan mo na diyan bago pa siya makahalata sa binabalak natin.”
After kong sabihin yon, parang hindi na matae ang itsura ni Zed. Ang baliw lang…priceless ang itsura niya ngayon! ^0^
Dali-dali kong hinubad ang jacket na suot ko at isinuot ko ‘yon sa maniquine na nasa passenger seat ng taxi ni Zed, isinunod ko ring tanggalin ang cap na suot ko.
Oh diba…parang ako na talaga yung nakaupo doon.
You’re soo smart talaga Ynna!!... ^0^
*imaginary claps*
Thank you…Thank you…Alam kong matalino talaga ang tingin ko sa sarili ko…I Love you all!! Mabuhay Philippines!! v(^-^)v
“Bye Zed…just take care of them na lang ha?...I’ll be back siguro, after 5 years… Haha! Chosz! Sa wedding niyo babalik ako, kaya dapat i-announce niyo para maka-attend talaga ako. Babush!”
I said then tumalikod na ako…This is it…My first step in moving on.
I guess, malapit ng matapos ang problema ng bestfriend ko…so, I have to face my own problem…which is Moving On.
‘Mr. Heart…you have to bid goodbye na. It’s time for you to take a rest first and mend on your own.’
-x-x-x-x-x-x-
<A/N:> Thanks for dropping by...
...Yiieee!! Malapit na akong matapos... Salamat sa mga nagtyagang magbasa ng Giving Her My Everything... Love y'all...
xoxoxoxo
_CylieSapphire