A/N: Hi Everyone!! This is Chap 8.2,,
Sana po may nagbabasa pa nito..
.. Sorry for the wrong grammar and typos.
.. LEAVE A COMMENT PLEASE...
Jenny's Pic on the side>>
Chapter 8.2:
“Sae. Balita ko sinaktan mo daw si Jenny kanina?”
“Anong sinaktan? Hinawakan ko lang siya sa magkabilang balikat niya.”
“Ang sabi nagkapasa daw.”
“Psh! Pwede ba Tikang. Wag ka ngang magpapaniwala sa mga ganyang chismis. Tsaka parang hindi ka pa nasanay kay Jenny. Eh kung mag-away nga kami kulang na lang isa sa amin isugod na sa ospital.” Walang gana kong sabi kay Ynna. Nandito ako ngayon sa Condo. Kapag mainit ang ulo ko dito at sa rooftop lang ako tumatambay. Marami kasing cakes dito kaya naman kung gusto ko makalibre ng desserts, dito lang ako pupunta. ^_^
“Sabagay. May Big Point ka diyan. Pero maiba tayo Kang, may balita ka na ba kay Zed?” napahinto ako sa pagkain ko ng strawberry short cake. Narinig ko na naman yung pangalan ng kumag na yun. >_<
“Ynna. Please wag mo ng babanggitin ang pangalan ng ungas na yon.”
“Hah? Bakit naman? May problema ba kayo?”
Nag kuwentuhan lang kami ni Ynna. Without mentioning HIS name.
10 pm na ako umalis sa condo niya.
Naglakad na lang ako tutal naman 20 mins walking distance lang naman ang layo ng condo niya sa bahay namin.
Habang papalapit ako sa may kanto, may nakita akong grupo ng mga lalaking nagbubugbugan.
Tsk! Mga walang magawa sa buhay. Gabing gabi na nakikipag basag ulo pa rin.
“Stay away from her!” bigla akong napahinto sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun. Apat na araw na ang nakakalipas simula nung huli kong marinig ang boses niya. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Saya, galit at…..kaba??
Agad akong tumakbo papalapit sa kanila. No way, sana mali ako. Sana hindi siya si Zed.
“Stop that idiots!” sigaw ko na siyang nakatawag ng pansin nila. May lalaking nakatalikod sa direksyon ko. Siguro ito yung kaboses ni Zed, yung sumigaw kanina.