(A/N:) 94 reads… Salamat ng bongga sa lahat ng nagtitiyagang magbasa nitong story ko! Alam ko po na maraming magagandang story sa wattpad kaya hindi na ako umaasa na may magbabasa pa nito.. Pero salamat pa rin po ng marami kasi binabasa niyo to.. T^T Sana lang po hindi kayo magsawa..
Alam ko po na hindi ko maaabot ang expectations niyo pero sisikapin ko pong mapangiti man lang kayo kapag binasa niyo na po ang mga gawa ko..
Kay @DustSpirit313… Maraming salamt po sa pagiging LR mo!! ILOVEYOU na talaga!! ^0^
Oh siya…
CONTINUE READING…
PLEASE LEAVE A COMMENT…
VOTE IF YOU LIKE…
Sorry for the Typos and Wrong Grammar.
Shereeynna Ramirez (Ynna)’s Pic on the side >>>
********
Chapter 6:
Ynna’s POV
“Kang. Kelan mo ba balak sagutin si Zed?” tanong ko kay Ahra.. Ehh kasi naman two months ng nanliligaw sa kanya si Zed pero hanggang ngayon parang wala pa rin siyang balak na sagutin yung tao. =_=
“Tikang. Pang ilang beses mo na bang tinatanong sakin yan simula kahapon pa hah?” sagot naman niya sakin. Tikang ang tawagan namin kapag kami lang dalawa. Ang baho ng endearment naming magbestfriend no? Yaena lang! Magaganda naman lahi namin ee! Haha.. Ako na proud! ^_^v
“Ikaw rin Kang. Kapag nauntog yang si Zed.. Baka mawala na siya sa’yo. Alalahanin mo siya lang ang may lakas ng loob na lapitan at kulitin ka ng ganyan.” Sabi ko sa kanya sabay sarado ng locker ko. Nandito kami ngayon sa locker room ng mga Softball Player.
“….” Hindi naman ako sinagot ni Ahra. Sa halip ay ipinagpatuloy niya na lang ang pagbibihis niya.
Kaya naman humarap na lang ako sa salamin at itinali ang buhok ko.
“Ah! Alam ko na!^_^” Ay Butiki! Tch! Talaga tong babaeng to ! >_< Ang dalas niya talaga mang-gulat! =_=
“Bakit ano yun?” tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nakangiti kaya naman nacurious tuloy ako sa kung anong tumatakbo sa magulo niyang utak.
“Secret… May gusto lang akong paiyakin… ^_^” sabi niya na ngingiti-ngiti pa.
“Tsk! Weird! Sige ganyan ka! May pasecret secret ka ng nalalaman sakin ngayon hah!” Tong lukaret na to! Ni minsan nga hindi pa ako nagtago ng sikreto ko sa kanya ee.. >3< Katampo lang hah! T^T