Giving Her My Everything (Short Story) CHAPTER 4:

422 12 4
                                    

(A/N:) Last UD for today! Try ko lang bukas kung makapag UD ba ako..

Ano po masasabi niyo sa story na to? Dapat ko pa po bang ituloy?

 

Please LEAVE A COMMENT po…

 

Enjoy reading!!

 

Saera and Zed’s Pic on the side >>>

*****

 Chapter 4:

 

>> AHRA’S POV <<

 

Isang buwan na ang nakakalipas simula nung nagkaroon ng ‘Self Declaration as My Official Suitor’ tong kumag na Zed Terrence Santos na to. Naiirita na nga ako kasi kung palagi niya akong kinukulit dati, ngayon naman naging times 2 pa yun! >.< Lalo lang tuloy akong naaasar sa kanya! >.< Pero aaminin ko minsan kinikilig din ako sa mga pinaggagawa niya para sa akin. Ang cute niya kasi MINSAN. Take Note MINSAN lang ha!

 

*****

“Hi Bee! Tara sabay na tayo maglunch.”

“Ay Butiki!” Peste naman tong lalaking to! >.<  Bigla bigla na lang nang-aakbay. Balian ko siya ng buto diyan ngayon eh. Kaasar hah! =_=

“Saera. Bee, ano na? Sabay na tayong maglunch hah. My treat.” Pangungulit niya sa akin.

“Hindi pwede.” Kalmadong sagot ko sa kanya.

“Ha? Bakit naman? Ayaw mo bang ilibre kita?” tanong niya ulit sa akin. Ang kulit lang talaga ng lahi nitong mongoloid na to! Kainis! >.<

 

“Kasabay ko ngayon ang kapatid ko.” Nagtitimping sagot ko ulit sa kanya.

“Eh di ayos yun! At least makikilala ko na rin ang FUTURE Sister-in-Law ko!” sabi niya habang pumapalakpak at tumatalon-talon pa.

‘Psh! Isip bata talaga!’ =_=

 

“Ang KAPAL mo rin ano?! Anong ‘Future Sister-in-Law’ ka diyan?! Hoy Lalake! Ito ang tandaan mo, kahit anong mangyari HINDING HINDI AKO MAGPAPAKASAL SA’YO! Gets mo? At pwede ba kahit ngayong araw lang na to lubayan mo muna ako?! Nakakairita ka na kasi eh!” Sigaw ko sa kanya. Halata namang nagulat siya sa ginawa ko kasi bahagyang nanlaki ang mga mata niya. Kahit ako rin naman hindi ko inaasahang masasabi ko iyon sa kanya. Kasi siya, kung kelan naman ako nagugutom doon pa niya ako kinulit ng BONGGA! >.< Kasalanan niya na rin yan. =_=

 

“I’m sorry. Siguro gutom ka lang kaya mo nasabi  sa akin yan ngayon. Hayaan mo lalayo na lang muna ako sa’yo.” Sabi niya sabay talikod at dahan-dahang humakbang palayo sa akin. Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ako sa itsura niya ngayon. Para kasi siyang nalugi at naholdap at the same time. Haha. Bagsak na bagsak ang balikat niya habang nakatungong naglalakad.

Giving Her My Everything (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon