Chapter 16.2:
Ynna’s POV
“Ynna, umuwi muna kayo. Ako na muna ang bahalang magbantay kila Tito.” – Zed
“Later Zed, wala pa sila Ahra.” – Rex
Napailing na lang ako, until now, si Saera pa rin talaga. *sigh* Sabagay, it’s been what...three days?
Hay! Ano ba naman ‘tong iniisip ko?!...May sakit na nga ang Mommy ng bestfriend ko pero eto ako, nagseselos pa din…Ayoko na talagang mainlove!!...Masyado ng nakakatanga..nagmumukha din akong selfish. (>_<)
*It’s our party we can do what we want to. It’s---*
“Yes Hello.” – me
(Kang, ahmm…pwede ka bang pumunta dito ngayon?) – Saera
“Why Kang? Anong nangyari?”
(Yung mag-asawa kasi…ano…iniwan nila sa’kin ang kambal. Kang, help me!! Hindi ko alam paano mag-alaga ng baby.)
“*laughs* Okay lang yan Kang, para ma practice. Sige, just wait me, pupunta ako diyan.” - me
(Acey put it down! Baka masugatan ka. Sige kang, bye.) – Saera
I ended the call. Uh-oh! Looks like my bestfriend is in a disaster now. ^-^
“Ahmm..Tito, Zed, Rex…Ano, una muna ako hah. Tumawag po kasi si Saera Tito, she needs help daw po. Siya lang daw po kasi ang naiwan sa kambal.” – me
“Sige hija. Mag-ingat ka.” – Tito
“Ihahatid na kita.” – Rex
“No need Rex, I can manage.”
I just bid them goodbye and walk my way to the parking area.
-x-x-
“Sphade…stop running baka madapa ka!”
Napapailing na napapangiti na lang akong pumasok sa loob ng bahay nila Tita Sharlene.
Hindi na maipinta ng maayos ang itsura ng bestfriend ko ngayon. Karga-karga niya si Acey habang hinahabol niya si Sphade na may dalang feather duster at gunting.
“Hello there kiddo!”
I said then tumakbo na si Sphade papunta sa’kin.
“Ta!”
Inalis ko sa kamay niya ang mga hawak niya then binuhat ko siya papasok.
“Grabe ‘tong mga chikiting na ‘to! Ang kukulit!” – Saera
“Hay nako Kang, ang totoo niyan, mababait pa nga sila ngayon. Dati nga naabutan ko si Tres dito habang inaamo niya ang dalawang yan na sabay pa na isipang mag tantrums. *laughs*” – me
“Kang…Ang dami pa lang nangyari dito nung umalis ako…Muntik pang maghiwalay sina Mommy at Daddy…This is all my fault Kang…Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko? Wala talaga---”
“Shut up Sae! Listen, it’s not all your fault…Hindi mo naman gustong maghiwalay ang parents mo or masira ang pamilya mo or magkaroon ng major heart attack si Shan nung umalis ka diba? So, don’t blame yourself. It’s not your fault. May mga bagay talagang hindi natin ginusto pero nangyayari. May mga bagay naman na gustong-gusto nating mangyari pero yun naman ang hindi nangyayari.”